Kapatid ni Rendon Labador: "Tol wag puro gym, mag-workshop ka"
- Mismong kapatid ni Rendon Labador na si Jormiel Labador ang nagbahagi ng kanyang saloobin kaugnay sa mga sinabi ng kanyang kapatid laban kay Coco Martin
- Naging usap-usapan kamakailan ang mga salitang binitawan niya laban kay Coco Martin kaugnay sa umano'y pagrereklamo ng vendors sa Quiapo
- Nagbahagi na rin si Coco ng kanyang saloobin kaugnay sa isyu kung saan sinabi niyang iniintindi lang niya ang mga ito
- Payo niya sa kanyang kapatid, magworkshop daw ito kung gusto pala niyang mag-artista
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagsalita na rin ang kapatid ni Rendon Labador na si Jormiel Labador na kilala din bilang Haring Bangis kaugnay sa pambabatikos nito kay Coco Martin. Payo niya sa kanyang kapatid, magworkshop daw ito kung gusto pala niyang mag-artista.
Ayon sa kanyang kapatid, sa tingin niya ay hindi nagustuhan ang acting ni Rendon kaya hindi raw kinuha.
"Tol, kinukuha ka naman pala anong iniiyak mo? Kasi si utol kasi parang may lihim na galit kay Coco Martin eh, parang personal eh no. Siguro pinag-acting, hindi nagustuhan, hindi nakuha. Yun ang feeling ko eh, hindi marunong um-acting eh"
Payo niya, dapat ay mag-workshop ito kung gusto niyang mag-artista.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Kung gusto mo talagang mag-artista tol, mag-workshop ka. Baka hindi nag-work shop, baka puro gym.. Tol wag puro gym, mag-workshop ka, gusto mo palang mag-artista [pero] ayaw mong mag-workshop"
Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.
Matatandaang hinamon ni Kiko Matos ang influencer na si Rendon para sa isang one-on-one. Nasabi na rin nito sa isang video na handa siyang magdemanda sa tinaguriang motivational speaker. Kaugnay ito sa pagsapak sa kanya ni Rendon pagkatapos ng basketball match ni Rendon at isa pang YouTuber. Si Kiko ay naroroon din sa venue para magsilbing commentator sa nasabing match.
Matapos ang pag-viral ng pagsampal niya kay Kiko Matos, naglabas ng kanyang pahayag si Rendon. Nilinaw niyang walang kinalaman ang lahat ng affiliations niya at mga produktong iniendorso niya. Naiintindihan niyang karapatan ni Kiko na magdemanda dahil sa kanyang nagawa sa naganap na Battle of the YouTubers: Rendon vs. Jonah. Hindi niya umano pino-promote ang violence at hindi siya proud sa kanyang ginawa ngunit nais niyang ibahagi ang mensahe sa mga tao na huwag hayaang tapakan ng ibang tao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh