Yorme, binirong last day na ng taping sa Batang Quiapo: "Late po kasi ako"

Yorme, binirong last day na ng taping sa Batang Quiapo: "Late po kasi ako"

- Biniro ang batang Yorme na si Aaron Sunga na last taping day na umano nito sa FPJ Batang Quiapo

- Ito ay dahil sa na-late ito sa taping ng nasabing serye na siya mismo ang nagsabi

- Natuwa naman si Bernadette Sembrano na nagkaroon uli ng proyekto at bata na minsan na niyang nakapanayam sa kanyang vlog

- Maliban kay Yorme, ilang mga kilalang vloggers din ang bahagi ng teleseryeng pinaka-aabangan nga pamilyang Pilipino ngayon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Biniro ang batang si Aaron "Yorme" Sunga na last taping day na umano nito sa FPJ Batang Quiapo.

Yorme, binirong last day na ng taping sa Batang Quiapo: "Late po kasi ako"
Sina Aaron "Yorme" Sunga at Erin Espiritu (Bernadette Sembrano YouTube)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na pinaunlakan ang kilalang news anchor at vlogger sa bansa na si Bernadette Sembrano na madalaw ang set ng Batang Quiapo.

Una niyang nakita na muli ay ang batang si Aaron o mas kilala bilang Yorme na minsan na ring naging bisita ng kanyang vlog.

Read also

Vloggers sa Batang Quiapo, maraming natututunan kay Coco Martin

Katunayan, naalala pa rin ito ni Yorme dahil ang pangarap niyang makasakay ng eroplano ay natupad umano ni Bernadette.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, biniro ni Coco Martin na tila last day na noon ng taping ni Yorme,

"Late po kasi ako," walang paligoy-ligoy na nasabi ni Yorme nang usisain siya ni Bernadette.

Kasama rin ni Yorme ang isa pang child star sa programa na si Erin Espiritu. Maski si Erin ay biniro ni Yorme na kung matatanggal siya sa programa, madadamay din si Erin.

Bukod kina Yorme, ilang mga kilalang YouTuber din ang kasama nila sa Batang Quiapo. Kasama rito sina Toni Fowler, Lovely at Norvin Dela Peña,

Nakapanayam din ni Bernadette sa pagbisita niyang ito ang iba pang vloggers na naroon na sina Mark "Big Mak" Andaya, Renz Joshua "Baby Giant" Baña, Sugar Ray "Mammoth" Estroso at Elyson "Ghost Wrecker" Caranza. Labis ang pasasalamat nila kay Coco sa bagong oportunidad na naibigay nito sa kanya sa programang pinakaaabangan gabi-gabi.

Read also

Netflix hit na Dollhouse ni Baron Geisler, hango sa kwento ng buhay ng aktres na si Faye Lorenzo

Si Aaron "Yorme" Sunga ay isang social media star sa Pilipinas. Kinagiliwan siya sa paggaya sa dating alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno. Dahil sa natural na kakulitan na labis na nagpapasaya sa kanyang mga manonood, naging bahagi rin siya ng programang It's Showtime.

Sa ngayon, teleserye naman ang pinagkakaabalahan ni Yorme at ito nga ay sa Batang Quiapo kung saan ginagampanan niya ang karakter bilang si Tolits.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica