Netflix hit na Dollhouse ni Baron Geisler, hango sa kwento ng buhay ng aktres na si Faye Lorenzo

Netflix hit na Dollhouse ni Baron Geisler, hango sa kwento ng buhay ng aktres na si Faye Lorenzo

- Hango sa totoong kwento ng buhay ng aktres na si Faye Lorenzo ang Netflix hit na Dollhouse

- Naikwento ito ng aktres nang maging panauhin siya sa programang Fast Talk with Boy Abunda

- Inamin niyang naging adik umano ang kanyang ama, kaya bahagya rin siyang natakot na baka mahusgahan ito ng mga tao

- Ganoon pa man, nagulat siya na marami ang na-inspire sa kanyang kwento lalo na at sa kabila ng bisyo ng ama, mabuti tatay naman ito sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinunyag ng Kapuso actress na si Faye Lorenzo na hango umano sa buhay niya ang Netlix movie sa pumatok sa pamilyang Pinoy, ang Dollhouse.

Netflix hit na Dollhouse ni Baron Geisler, hango sa kwento ng buhay ng aktres na si Faye Lorenzo
Si Baron Geisler at ang gumanap na anak niya sa pelikulang Dollhouse na si Althea (@baron.geisler)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay ang pelikulang pinagbidahan ni Baron Geisler kung saan umani siya ng papuri sa napakahusay niyang pagganap bilang isang ama na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Read also

Zeinab, nang magsabi si Lucas sa teacher ng problema niya: "Durog na durog ang puso ko"

Sa panayam ni Boy Abunda kay Faye isiniwalat nito ang kanyang buhay na siyang umantig sa puso ng marami sa nasabing pelikula.

"Yung story ng Dollhouse, 'yung ginampaman ni Baron, story ko at ng father ko," ani Faye na aminado ring natakot na baka mahusgahan umano ang ama dahil dito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"He was a drug addict and media sensitive ako kasi baka i-judge siya ng mga tao," saad pa niya.

Subalit nagulat siya sa naging pagtanggap ng mga tao sa itinakbo ng naturang kwento na naghatid inspirasyon sa mga nakapanood nito.

Ayon pa kay Faye, bagama't may bisyo ang ama, mag-isa silang itinaguyod nito gayung iniwan sila ng kanyang ina.

14-anyos si Faye nang sumakabilang buhay ang ama kaya't bilang panganay, siya na ang tumayong breadwinner ng kanilang pamilya.

"Kaya pala na 'yun ang pinagdaanan ko sa buhay. Kasi roon ako magiging matatag, masipag humble at mapagmahal."

Read also

Ogie Diaz matapos ang kontrobersiya sa dating alaga: "Basta ang importante tapos na ito"

Narito ang kabuuan ng nakakantig ng pusong panayam sa kanya mula sa programang Fast Talk with Boy Abunda:

Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na aktor sa Pilipinas. Matatandaang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang 'Tililing' na tumatalakay sa mental illness ng mga tao na karamihan ay dinadanas dahil sa pandemya.

Umaapaw ang papuri kay Baron sa pagganap niya sa pelikulang Dollhouse na nagpaiyak sa maraming pamilyang Pilipino dahil sa aral na iniwan niyo sa bawat nakapanood.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica