Juliana Segovia, sinubukang ibenta ang mga napanalunang korona at trophy sa Ms Q&A

Juliana Segovia, sinubukang ibenta ang mga napanalunang korona at trophy sa Ms Q&A

- Sinubukang ibenta ni Juliana Parizcova Segovia ang mga koronang kanyang napanalunan sa Ms Q & A sa It's Showtime

- Ibinebenta niya ng 1 milyong piso ang lahat ng napanalunang korona at trophy ngunit ayon sa napagtanungan niya ay mabigat ito para sa kanya

- Ani Juliana, limang taon na rin ang nakalipas mula nang mapanalunan niya ito at hirangin siyang kauna-unahang Ms Q&A Queen

- Nagkatawaran sila ngunit dahil sa tingin ni Juliana ay hindi kaya ang ino-offer na presyo ay hindi na lamang niya binenta ang mga napanalunan niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinebenta sana ni Juliana Parizcova Segovia ang kanyang napanalunang mga korona at trophy sa Ms Q&A kung saan siya ang kauna-unahang hinirang na reyna. Sa YouTube channel na “Boss Toyo Production," sinubukan niyang ibenta ito sa halagang isang milyong piso.

Read also

Toni Fowler, hindi pinagsisihan ang paglabas niya ng MPL music video

Juliana Segovia, sinubukang ibenta ang mga napanalunang korona at trophy sa Ms Q&A
Juliana Segovia, sinubukang ibenta ang mga napanalunang korona at trophy sa Ms Q&A (@juliana_parizcova)
Source: Instagram

Paliwanag ni Juliana, ang sampung korona na napanalunan niyang kada araw bago siya maging hall of famer, tig-P20,000 ang presyo ng kada isa niyon. Ang kanyang korona naman sa Grand finals ay nagkakahalaga ng P450,000. Maging ang trophy na gawa ng isang kilalang artist ay sinama niya rin.

Nagkatawaran sila ngunit hanggang P400,000 lang ang kayang mai-offer ni Boss Toyo. Hindi na ito tinanggap ni Juliana dahil aniya ay kahit hanggang P800,000 sana ang ibayad sa mga napanalunan niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Juliana Parizcova Segovia o TJ Ortega sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na "It's Showtime" noong 2018. Ang Miss Q & A ay isang patimpalak sa It's Showtime para sa mga miyembro ng LGBTQ community. Inamin naman ni Juliana sa isang panayam na naubos na ang kanyang 1 milyong piso na napanalunan sa nasabing patimpalak.

Read also

Jason Hernandez, never umano sasagot para ipagtanggol ang sarili

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Juliana na nauunawaan niya ang mga nakatrabaho niyang umalma sa kanyang mga naging pahayag kamakailan. Aniya, ibibigay niya ang respeto sa mga ito at hindi siya sa sasagot sa mga aniya'y personal na pang-aatake sa kanya. Gayunpaman, yung isang nagsabing sasampalin daw siya kapag nagkaroon ng face to face presscon ay hinamon niyang totohanin ang kanyang sinabi. Matatandaang umani ng mga negatibong komento ang komedyante matapos niyang maging bahagi ng ilang videos ng Vincentiments YouTube channel kamakailan.

Matatandaang naging usap-usapan ang video na ibinahagi ng VinCentiments ni Direk Darryl Yap kung saan tampok si Juliana. Base sa nasabing video, parody video ito ng kontrobersiyal na video ng Young Public Servants kung saan si Angelica Panganiban ang nagsasalita. Sa video ni Angelica, nagbigay siya ng paalala sa mga botante na 'Huwag magpapabudol, at huwag sa magnanakaw.' Samantala, sa video naman ni Juliana aniya, 'Ingat sa mga pa-victim.'

Read also

Jason Hernandez, sinabing wala siyang bitterness kay Moira dela Torre

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: