Ogie Diaz, may suggestion kapwa niya managers: "ipa-undergo sa psychiatric evaluation ang bata"

Ogie Diaz, may suggestion kapwa niya managers: "ipa-undergo sa psychiatric evaluation ang bata"

- Magbibigay umano ng suggestion si Ogie Diaz sa mga kapwa niya talent managers

- Ito ay ang pagpapa-psychiatric test muna sa kanilang magiging talent para malaman ang lagay ng alaga at paano ma-address sakaling may kakaiba umanong behavior ito

- Nabanggit niya kung gaano kahirap umano ang pagiging isang talent manager na naikumpara sa iniring sanggol na hanggang sa paglaki ay sa manager halos aasa

- Sa nangyayaring kontrobersiya ngayon, dumarami pa raw ang nais na mag-manage sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maghahain umano ng suggestion si Ogie Diaz sa mga kapwa niya managers na sa palagay niya ay makatutulong umano sa mga aalagaan nilang talents lalong-lalo na sa pakikitungo sa mga ito.

Ogie Diaz, may suggestion kapwa niya managers: "ipa-undergo sa psychiatric evaluation ang bata"
Ogie Diaz
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI ito ay ang pagpapa-psychiatric test muna sa mga talents lalo na iyong bata pa upang malaman nila bilang manager kung paano maha-handle ng maayos ang mga ito.

Read also

Ogie D, kung bakit 'di siya ang mag-interview kay Liza: "Nao-awkward daw siya"

"Isa-suggest ko sa mga talent managers ito: bago tumanggap o tanggapin ang napupusuang talent, dapat, ipa-undergo sa psychiatric evaluation ang bata."
"Kasi nga, ang mga teenagers ngayon, as in bata pa lang, meron nang mga mental health issues. Para din alam ng talent manager kung paano ia-address properly at iha-handle ang behaviour or attitude problem ng talent."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nabanggit pa niya na dapat umanong isama sa kontrata ang pagpirma ng talent at magulang na buong puso ang pagtanggap sa proyektong kanilang gagawin.

"Tapos, isama na sa kontrata yung kada project na gagawin, kailangan, papirmahin ang bata at magulang (kung minor pa ang kanilang anak) na tinanggap nila nang buong puso at excited silang gawin ito. Na alam nilang makakatulong ang project na yon sa ikauunlad ng kanyang career na hindi nila alam kung paano patakbuhin, kaya kinuha ang expertise mo bilang manager."

Read also

Kathniel, posibleng mapanood umano sa FPJ Batang Quiapo

Nilinaw din niya umano ang hirap na pinagdaraanan ng mga talent managers na tulad niya. Lalo na ngayon na ang akala ng iba ay ang pagkamal lang ng komisyon ang kanilang iniintindi.

"Kaya ang akala ng iba, kubra lang nang kubra ng komisyon ang manager, pero hindi alam ng mga nagmamarunomg kung gaano kahirap maging manager"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Sa mga naunang episodes ng kanyang Showbiz Update channel, halos makailang beses nang nasabi ni Ogie na hindi umano siya galit sa dating alaga na si Liza Soberano sa mga naging pahayag niya mula nang ilabas ang kanyang 'This is me vlog.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: