Jason Hernandez, sinabing wala siyang bitterness kay Moira dela Torre

Jason Hernandez, sinabing wala siyang bitterness kay Moira dela Torre

- Ayon kay Jason Hernandez, wala siyang bitterness na nararamdaman nang matanong tungkol sa paghihiwalay nila ni Moira

- Gayunpaman aniya ay naiintindihan niya si Moira dahil aminado siyang nasaktan niya ito

- Nang matanong kung naka-move on na daw ba siya sa mga nangyari, sinabi niyang emotionally ay okay na siya

- Sa kasalukuyan umano ay mas nakatuon ang pansin niya sa pamilya, sa negosyo at sa mga kaibigan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Jason Hernandez na nasaktan niya si Moira dela Torre kaya naiintindihan niya ito. Sa panayam sa kanya na naibahagi sa Dondon Sermino YouTube Channel, sinabi niyang wala siyang nararamdamang bitterness.

Jason Hernandez, sinabing wala siyang bitterness kay Moira dela Torre
Jason Hernandez, sinabing wala siyang bitterness kay Moira dela Torre (@jasonmarvinph)
Source: Instagram
It’s all good. I’m good. Walang bitterness, walang ano. Pero gets ko naman na nasaktan siya.

Nang matanong kung naka-move on na daw ba siya sa mga nangyari, sinabi niyang emotionally ay okay na siya at naka-focus umano siya sa business, mga kaibigan at kanyang pamilya sa kasalukuyan.

Read also

Toni Fowler, kinausap ang anak kaugnay sa kontrobersiyal na music video

“I think emotionally, I’m okay na, e. Siyempre sa simula, masakit, pero okay na. Like now, mas focus lang talaga ako sa family ko, sa business, sa friends,”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Jason Marvin Hernandez ay isang singer composer na unang nakilala bilang karelasyon ni Moira dela Torre at kasama niya sa paggawa at pagkanta ng kanilang mga likhang awitin. Matapos nilang ikasal ay ikinagulat ng mga tagahanga nila nang ilabas nila ang balita tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Matatandaang marami sa mga fans at tagasuporta ng mag-asawang Jason at Moira ang nalungkot sa paghihiwalay ng dalawa. Ito ay kinompirma ni Jason sa pamamagitan ng pagpost sa kanyang social media account. Sa kanyang Twitter account ay makikita pa ang hugot nito noong nakaraang linggo tungkol sa hindi pagsuko. Umani ito ng mga reaksiyon at binalikan ng netizens lalo at naging mainit na usapin ang tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Samantala, sa isang Instagram Live video na binahagi ni Moira, marami ang nakapansin na tila malungkot ito at may matinding pinagdadaanan dahil sa kanyang matamlay na reaksiyon. Matapos ang naging pahayag ni Jason ay napagtanto ng mga netizens na may hugot nga ang malungkot na kanta ni Moira sa kanyang IG live. Matatandaang isinapubliko ni Jason ang tungkol sa paghihiwalay nila matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate