Gab ng Parokya ni Edgar, personal na nagpasalamat: "I am thankful beyond words"

Gab ng Parokya ni Edgar, personal na nagpasalamat: "I am thankful beyond words"

- Personal na nagpasalamat ang gitarista ng Parokya ni Edgar na si Gab Chee Kee

- Ito ay sa lahat ng tulong na kanyang natanggap dahil sa pagkaka-ospital niya mula pa noong Enero

- Matatandaang kabi-kabilang fund raising shows ang naisagawa para sa kanyang pagpapagamot

- Labis-labis din ang pasasalamat ng kanyang mga kabanda lalo na ng kanilang bokalista at kanya umanong best friend na si Chito Miranda

- Bagama't nakalabas na ng ospital si Gab, patuloy pa rin ang laban nito sa sakit na lymphoma

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Personal na nag-post si Gabriel 'Gab' Chee Kee ng Parokya ni Edgar ng kanyang pasasalamat sa lahat ng taong naging bahagi ng pagtulong sa kanyang pagkaka-ospital kamakailan.

Gab ng Parokya ni Edgar, personal na nagpasalamat: "I am thankful beyond words"
Gabriel Chee Kee (Parokya ni Edgar)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nakalabas na ng ospital si Gab nito lamang Marso 10 matapos ang dalawang pagkaka-ospital dahil sa pneumonia na bahagi lamang ng komlikasyon ng kanya talagang karamdaman, ang lymphoma.

Read also

Xian Gaza, dinipensahan ang viral nanay ng Eat Bulaga: "Imulat natin sila"

Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang laban mahaba-habang pagkakalagak sa ospital, si Gab mismo ang ang nagpahayag ng pasasalamat sa mga taong nagmamahal at patuloy na umaalalay sa kanyang laban.

"I am out of the hospital and home, finally. It was a journey. A seemingly impossible one. Made bearable and surmountable by so many angels. I'm surrounded by angels. Doctors, nurses, producers, musicians, artists, family, friends and strangers from all over. You stormed the heavens with your prayers. I feel unworthy of your support yet I am thankful beyond words. Sobrang salamat! -LabGab"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang kabi-kabila ang mga gigs at auctions ng mga kapwa niya musicians bilang pagbibigay suporta sa medical expenses ni Gab para sa kanyang pagpapagaling.

Samantala, sa post ng kanyang kabanda at best friend na si Chito Miranda, nilinaw nitong bagama't sa bahay na magpapahinga si Gab, patuloy pa rin ang laban nito sa lymphoma.

Read also

Jessy Mendiola, pinakita ang aniya'y 'best mother's day gift' sa kanya

Enero ng kasalukuyang taon nang kumpirmahin ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang lagay ng kanyang best friend at kabanda na si Gabriel Chee Kee.

Sa post ni Chito, sinabi nitong mayroong lymphoma si Gab na bagama't handa ito sa pagpapa-chemotherapy, tinamaan naman ito ng pneumonia dahilan para siya'y malagak sa ICU ng mahigit halos dalawang buwan.

Kabi-kabila na ang mga benefit shows para kay Gab upang makatulong sa medical expenses nito. Labis-labis naman ang pasasalamat niya at kanyang mga kabanda at pamilya sa umaapaw na tulong at suporta dahilan para unti-unting bumuti ang lagay nito.

Tulad na lamang ng bidding sa gitarang pirmado ng bandang Eraserheads. Umabot ang halaga nito sa Php1.3 million at napunta sa pagpapa-ospital ni Gab.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel