Ellen Adarna, ibinida ang husay ng anak sa pag-ski sa edad na apat na taon
- Ibinida ni Ellen Adarna ang anak niyang si Elias Modesto na kaya nang mag-ski sa edad niyang apat na taong gulang
- Sa kanyang Instagram post ay pinakita ni Ellen ang video ng pag-ski ni Elias maging sa matataas na dalisdis ng niyebe
- Pinasalamatan naman ni Ellen ang nagturo sa anak niya habang sila ay nasa bakasyon sa Japan
- Bukod sa pag-ski matatandaang nauna na ding naibahagi ni Ellen na magaling na ring lumangoy si Elias
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Kinabiliban si Elias Modesto, apat na taong gulang na anak ni Ellen Adarna dahil sa husay nito sa pag-ski. Sa binahaging video ni Ellen ay makikitang nakikipagsabayan si Elias sa mga nag-ski sa matataas na dalisdis ng snow.
Sa naunang post ni Ellen ay pinakita niya at binahaging hindi na lamang sa bunny slope si Elias nag ski. Ang bunny slope ay kadalasang mababa kaya ito ang nababagay para sa mga taong nagsisimula pa lamang mag-aral kung paano mag-ski.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.
Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.
Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh