Liza Soberano, nakatakdang mag-guest sa programa ni Boy Abunda

Liza Soberano, nakatakdang mag-guest sa programa ni Boy Abunda

- Nakatakdang mapanood si Liza Soberano sa programa ni Boy Abunda sa GMA-7

- Ito ay sa gitna ng kinasasangkutan niyang kontrobersiya matapos ang nilabas niyang vlog

- Matatandaang isa din si Boy Abunda sa naghayag ng kanyang opinyon kaugnay sa sinabi ni Liza

- Sinabi ng talk show host na diretsahang inamin ni Liza sa kanya na nasaktan siya nang mapanood niya ang reaksiyon ni Boy sa kanyang vlog

Ayon kay Boy Abunda, inamin sa kanya ni Liza Soberano nang harapan na nasaktan siya sa reaksiyon ni Boy sa kanyang nilabas na vlog. Nakatakdang mapanuod si Liza sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, March 10, 2023.

Liza Soberano, nakatakdang mag-guest sa programa ni Boy Abunda
Liza Soberano, nakatakdang mag-guest sa programa ni Boy Abunda (@lizasoberano)
Source: Instagram

Kabilang umano sa naitanong ni Boy kay Liza ay kung bakit siya napapayag na gawin ang interview.

Matatandaang pinuri ni Boy ang career move ni Liza nang tanggalin nito ang mga post sa kanyang Instagram bilang pagpapakita ng kanyang bagong panimula sa kanyang career.

Read also

Enrique Gil, sinabing sila pa rin ni Liza Soberano: 'We're just super busy'

Gayunpaman, naghayag ng pagka dismaya kaugnay sa nilabas na vlog ni Liza.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

“You can proceed with your career, you can redirect your career pero sana you can journey in gratitude. Sabihin na natin na may mga karanasan ka na hindi masyadong maganda because you wanted to be heard, you wanted to be more visible in your career, pero Liza, lahat ng nangyari sa ‘yo, nothing is ever wasted.”

Si Hope Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina. Namataan si Liza ng isang talent scout noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager niya ngayon na si Ogie Diaz.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbati ni Enrique Gil sa kaarawan ni Liza. Binahagi ni Enrique ang ilan sa mga pictures nilang magkasama sa kanyang social media post. Maikli ngunit nakakakilig ang naging mensahe ni Enrique kay Liza. Ikinatuwa naman ng mga netizens na makitang maayos pa rin ang relasyon nila sa kabila ng lumalabas na espikulasyon.

Read also

Toni Gonzaga, natanong kung isa nang bilyonarya: "Iba ang definition ko ng bilyonaryo e"

Samantala, naging usap-usapan din ang ginawang makeup transformation ni Patrick Starrr kay Liza sa kanyang binahaging video. Kamakailan ay nagkasama sina Liza at Patrick sa isa sa kanyang vlogs. Sa naturang video na umabot sa 16 minuto, beauty queen makeup transformation ang ginawa ni Patrick. Marami sa mga netizens ang namangha sa "Miss Universe" transformation ni Liza.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel