Maegan Aguilar kay Sen. Raffy Tulfo: “Anyway, sa ‘yo na pera mo"
- Inihayag ni Maegan Aguilar ang kanyang saloobin sa gitna ng kanyang pinagdadaanan matapos ang pagpositibo niya kamakailan sa droga
- Iginiit niyang hindi niya kailangan ng rehab kundi counseling umano at taong makikinig sa kanya ang kailangan niya
- Aniya, wala na siyang pakialam kung hindi siya paniwalaan at patuloy siyang i-bash dahil ang balik raw sa kanya ay blessings at simpatya ng mga taong may utak
- Dagdag pa niya, ginamit lamang siya para sa content at wala nang iba
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinakita ni Maegan Aguilar sa kanyang video ang bahay na kanilang tinitirhan sa kasalukuyan. Aniya, binuhos ang tulong na hindi kayang ibigay sa kanya ni Sen. Raffy Tulfo.
Iginiit niyang hindi niya kailangan ng rehab kundi counseling umano at taong makikinig sa kanya ang kailangan niya.
I don’t need your help. I don’t need rehab. If anything I need counselling. That’s what I need. If anything I need a listening ear, a shoulder to cry on. That’s what I need. I don’t need rehab na tuturukan ako ng kung anu-ano, anti-psycho, anti-depressant. It’s not for me, okay.
Aniya, wala na siyang pakialam kung hindi siya paniwalaan at patuloy siyang i-bash dahil ang balik raw sa kanya ay blessings at simpatya ng mga taong may utak.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
And I don’t care kung ayaw n’yong maniwala, you wanna continue bashing me, go ahead, go ahead. Kasi ang balik sa akin blessings, ang balik sa akin simpatiya at pagmamahal ng mga taong may utak, hindi tulad n’yo
Sa kasalukuyan ay burado na ang naturang video ni Maegan na kanyang unang naibahagi sa kanyang Facebook account.
Si Maegan Aguilar ay pangalawa sa limang mga anak ni Freddie Aguilar at ang unang sumunod sa yapak ng kanilang ama pagdating sa hilig sa musika. Si Ka Freddie o Ferdinand Pascual Aguilar sa totoong buhay ay isang kilalang Pinoy folk musician na nakilala sa kanyang awiting "Bayan Ko" at "Anak." Nagsimula siyang magtanghal sa publiko noong 1973 nang makapagtrabaho siya sa Hobbit House sa Ermita, Manila. Matatandaang taong 2018 nang matupok ng apoy ang bahay nina Freddie sa Quezon City. Nakaligtas naman ang kanyang pamilya sa naturang sunog.
Kamakailan inihayag ni Maegan ang kanyang saloobin matapos ang paglabas ng resulta ng ginawang test sa kanya sa programa ni Sen. Raffy Tulfo. Sa kanyang mga live video sa Facebook ay makikita siyang naglalakad at emosyonal. Aniya, naghahanap lamang siya ng mataas na gusali para daw matapos na ang lahat. Sa isang post niya ay sinabi niyang tinatanggalan niya ng karapatan ang kanyang kaanak na lumapit o humawak sa kanyang labi.
Sa post ni Maegan ay inilabas niya ang kanyang sama ng loob sa kanyang pamilya. Kasunod ng kanyang pagtatanggal ng karapatan sa kanyang pamilya na mahawakan o malapitan ang kanyang bangkay, matindi din ang binitawan niyang salita. Idinawit niya ang kanyang ina at kanyang kuya sa pinagbabawal na gamot. Payo naman ng kanyang ina, tanggapin nito ang alok na iparehab siya at magbubukas ang mga oportunidad sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh