Bernadette Sembrano, tinupad ang wish ng isang batang fan ng TV Patrol

Bernadette Sembrano, tinupad ang wish ng isang batang fan ng TV Patrol

- Naging daan si Bernadette Sembrano para matupad ang wish ng isang batang fan ng TV Patrol

- Patungo na sa Canada ang pamilya ng batang si Alonzo na nagpadala ng mensahe kay Bernadette sa hiling na makita ang bumubuo ng TV Patrol

- Lalong-lalo na ang idolo nitong si Kabayan Noli De Castro na lagi umano nitong inaabangan kung ano ang kulay ng tie at panyo nito

- Agad na napayakap si Alonzo sa mga iniidolo lalo na kay Kabayan Noli De Castro na halos hindi niya mabitawan sa pagkakayakap

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Labis na napasaya ni Bernadette Sembrano ang batang si Alonzo na sa murang edad niya na apat na taong gulang, ay fan na ng TV Patrol.

Bernadette Sembrano, tinupad ang wish ng isang batang fan ng TV Patrol
Si Alonzo na napayakap kay Henry Omaga-Diaz at si Bernadette Sembrano (Bernadette Sembrano)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nakatanggap umano si Bernadette ng mensahe mula sa ina ni Alonzo at hiling nitong makita sana sa personal ang bumubuo ng TV Patrol.

Read also

Cristy kay Liza: "Siya ang naglagay ng bakod sa kanyang kinabukasan"

Nabanggit din ng ina ng bata na patungo na sila ng Canada kaya naman nagbakasakali itong mapagbigyan ang hiling ng anak.

Hindi naman sila binigo ni Bernadette na naglaan ng oras para makilala si Alonzo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod kay Bernadette, sumunod nitong nakita si Karen Davila at Henry Omaga-Diaz na natuwa sa pagiging fan ni Alonzo.

At nang makita na nga ni Alonzo ang iniidolong si Kabayan Noli De Castro, halos hindi niya ito bitawan sa pagkakayakap. Tila hindi ito makapaniwala na yakap na niya ang kanyang idolo.

Nagpakitang-gilas din ito sa paggaya sa kanyang idolo sa opening spiel nito tuwing gabi sa TV Patrol.

Narito ang masayang pagkikita nina Alonzo at ng news anchor ng TV Patrol mula sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano:

Bukod sa pagiging isa sa batikang news anchor ng ABS-CBN, aktibo si Bernadette Sembrano sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit 300,000 subscribers.

Read also

Ogie Diaz, sinabing imposible umanong pumalit si Willie Revillame sa TVJ ng Eat Bulaga

Ilan sa mga nakapanayam niya kamakailan ay sina Neri at Chito Miranda na labis niyang hinangaan pagdating sa pagnenegosyo at ang nag-viral kamakailan sa kanyang acting skills sa Batang Quiapo na si Miles Ocampo. Doon din naikwento ni Miles kung gaano siya kasaya sa mga papuring natanggap niya sa pilot episode ng Batang Quiapo kung saan siya gumanap bilang young Cherry Pie Picache.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel