Liza, sa offer na Pinoy 'It's okay not to be okay': "Sadly we had to decline"

Liza, sa offer na Pinoy 'It's okay not to be okay': "Sadly we had to decline"

- Kinumpirma ni Liza Soberano na sila sana ng kanyang dating ka-love team na si Enrique Gil ang gaganap sa Pinoy adaptation ng It's okay not to be okay

- Subalit hindi na nila ito naituloy dahil sa kanyang career move

- Aniya, nasa punta na umano siya noon ng napipintong transition sa kanyang career na kanyang natuluyang gawin

- Ang 'It's okay not to be okay' ay isang Koreanovela na mapapanood sa netflix at pumatok sa mga Pilipino

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam sa kanya ni Bea Alonzo, kinumpirma ni Liza Soberano na sila sana ni Enrique Gil ang gaganap sa Filipino adaptation ng Korean hit series na 'It's Okay not to be Okay.'

Liza, kung bakit 'di na natuloy ang It's okay not to be okay: "Sadly we had to decline"
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga naitanong ni Bea sa 'lie detector test' challenge niya kay Liza.

Read also

Ogie Diaz, sinabing imposible umanong pumalit si Willie Revillame sa TVJ ng Eat Bulaga

Ayon kay Liza, kailangan niya itong i-decline at aminado siyang may kaugnayan ito sa kanyang career move.

"Sadly we had to decline because at that time I was already starting to think about my next career plans," ani Liza.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"I wasn't in the right mindset to think about what project I wanted to do. I wanted to fix the structure of my career first," giit pa niya.

Mataandaang Mayo 31 ng taong 2022 nang matapos ang kontrata ni Liza sa dating manager na si Ogie Diaz.

Matapos ito, agad na pumirma ng kontrata si Liza sa management na kinabibilangan ni James Reid.

Lumipad na rin siya patungo ng Amerika kung saan umano naroon ang focus na niya sa mga susunod niyang career plans, sa Hollywood.

Subalit nang gawin ang naturang interview ni Bea kay Liza noong Pebrero 21 ng kasalukuyang taon, balik Pilipinas ito.

Read also

Liza Soberano, pinuri si Jane de Leon sa pagganap bilang Darna: "I'm supportive of it"

Narito ang kabuuan ng kanilang masayang talakayang mula sa YouTube channel ni Bea Alonzo:

Naging kontrobersyal ang inilabas na video ni Liza Soberano sa kanyang YouTube channel kamakailan. Ito ay upang ibulalas niya ang sarili sa kung ano na nga ba ang nangyayari at nangyari sa kanya buhat nang mapasailalim siya sa management na kinabibilangan ni James Reid.

Samantala, sa naturang interview ni Bea kay Liza, isa sa mga naibunyag dito ay ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na unang inalok sa kanila ni Enrique Gil. Muntik na rin umanong makatambal ni Enrique si Kathryn sa nasabing pelikula hanggang sa napunta na nga ang role kay Alden Richards.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica