Leo Ortiz, pinasalamatan si Zeinab Harake sa paghingi ng tawad sa kanya
- Nagpasalamat si Leo Ortiz kay Zeinab Harake sa paghingi umano nito ng tawad at pag-amin ng pagkakamali
- Ito ay sa gitna ng paglabas ng isang screenshot ng umano'y pag-uusap nina Zeinab at Miss Glenda dela Cruz
- Aniya, ang pag-amin ng pagkakamali ay mahalaga dahil nirerespeto umano ang taong marunong umamin ng pagkakamali
- Si Leo Ortiz ang CEO ng isang sikat na inuming pampapayat na iniindorso ng iba't-ibang personalidad kabilang na si Zeinab noon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinasalamatan ni Leo Ortiz, (CEO ng Glutalipo) si Zeinab Harake sa umano'y paghingi nito ng tawad at pag-amin ng kanyang pagkakamali. Ito ay matapos ang paglabas ng screenshot ng umano'y pag-uusap nina Zeinab at ng isa pang CEO.
Ayon pa sa Glutalipo CEO, walang taong perpekto at maging siya ay may kapintasan din. Gayunpaman, aniya ang pag-amin sa pagkakamali ang magbibigay ng respeto mula sa mga tao.
Maraming Salamat Zebby sa paghingi mo ng Tawad at pag amin sa iyong Pagkakamali Wala po perpektong tao maging ako ay maraming Flaws, Pero ang PAG AMIN sa Pagkakamali ang magbibigay sayo ng RESPETO ng tao!
Si Leo Ortiz ang CEO ng isang sikat na inuming pampapayat na iniindorso ng iba't-ibang personalidad kabilang na si Zeinab noon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.
Matatandaang matapos lumabas ang video ni Wilbert Tolentino ay dumipensa si Zeinab sa mga nilabas na screenshot ni Wilbert laban sa kanya. Ani Zeinab, cropped ang mga nilabas na conversation ni Wilbert kaya hindi umano nailabas ang kabuuan ng kanyang sinabi. Inisa-isa niyang nilinaw ang mga nilabas na screenshot ni Wilbert na umano ay mga nasabi niya laban sa mga sikat na vloggers. Hiling naman ni Zeinab na tigilan na lang ang gulo at huwag na siyang ididikit sa grupo nina Wilbert para matapos na ang gulo.
Nilinaw naman ni Zeinab na bago siya nag-live sa Facebook ay tinawagan niya ang mga taong nadawit sa video na nilabas ni Wilbert. Kinausap at nilinaw niya umano sa mga taong nasangkot ang tungkol sa mga lumabas na screenshot na ayon sa kanya ay kulang na dahil cropped umano ang mga ito. Kabilang sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga sa kanyang mga tinawagan kaugnay dito at nagkaintindihan umano sila. Maging sa kanyang video ay humingi si Zeinab ng dispensa sa mga taong nadamay pa umano.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh