Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, pinasilip ang kanilang mountain hideaway

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, pinasilip ang kanilang mountain hideaway

- Pinasilip nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang kanilang resthouse sa may Tanay, Rizal

- Gawa ito sa container vans dahil anila ay inakala nilang magiging mas madali ito at nahilig din umano sila ng panonood sa Tiny House

- Bukod sa kanilang main house mayroon din silang guest house, green house at staff house na inihiwalay nila sa kanilang main house

- Sa kanilang main house naman ay mayroong kanya-kanyang mga silid ang kanilang tatlong mga anak na sina Jazz, Calix at Dylan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa unang pagkakataon ang isang virtual tour sa kanilang mountain hideaway. Sa kanilang binahaging bagong vlog ay ibinahagi nila ang kanilang rest house na gawa sa mga container van.

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, pinasilip ang kanilang mountain hideaway
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, pinasilip ang kanilang mountain hideaway (@mercadojenny)
Source: Instagram

Anila, inakala nilang mas madaling gawin ang kanilang rest house kung gawa ito sa container van ngunit naging mahirap umano ang pagdala ng mga ito sa bundok. Bukod sa kanilang main house mayroon din silang guest house, green house at staff house na inihiwalay nila sa kanilang main house.

Read also

Alodia Gosiengfiao, pinakita kung gaano ka-supportive ang kanyang asawa

May mga nakalagay nang solar pannels sa bubong at dahil wala pa umanong kuryente sa kanilang lugar ay gumagamit sila ng generator.

Sa kanilang main house naman ay mayroong kanya-kanyang mga silid ang kanilang tatlong mga anak na sina Jazz, Calix at Dylan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jennylyn Mercado ay isang Kapuso actress na nakilala matapos niyang manalo sa talent search na Starstruck ng GMA-7. Bukod sa pagiging aktres, nakilala din siya bilang isang mang-aawit, recording artist at product endorser. Sa kabila ng kanilang nakaraan, maganda ang relasyon ni Jennylyn sa asawa ng kanyang ex na si Patrick na ama ng kanyang anak na si Alex Jazz. Kaya naman marami ang natutuwa sa mga bonding moments nila na ibinabahagi nila sa social media.

Matatandaang pinakita ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang di inaasahang pangyayari matapos nilang magtungo sa ospital para magpa-check-up. Marami ang nawindang sa huling bahagi ng kanilang YouTube video dahil manganganak na pala si Jen.

Ayon kay Jennylyn, malapit na siyang magbalik sa showbiz matapos ang kanyang pamamahinga dahil sa kanyang panganganak kay Baby Dylan. Sa panayam ni Nelson Canlas kay Dennis Trillo ay binati ni Jennylyn ang reporter kaya sinabihan niya ito na bumalik na sa trabaho. Matatandaang kinailangang itigil ng aktres ang kanyang taping sa seryeng "Love. Die. Repeat." Pinayagan naman siya ng GMA na ipagpatuloy na lamang niya ang naturang serye kapag pwede na siyang magtrabahong muli.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel