Cheska Garcia, ibinida ang napanalunang medalya ni Kendra Kramer sa swimming

Cheska Garcia, ibinida ang napanalunang medalya ni Kendra Kramer sa swimming

- Binati ni Cheska Garcia ang panganay na anak na si Kendra Kramer na nanalo ng dalawang medalya sa swimming

- Sa kanyang Instagram post ay makikitang suot ni Kendra ang dalawang medalya

- Ani Cheska, proud siya sa anak at siya ay laging magiging loudest cheerer ng anak

- Maging ang kanyang amang si Doug Kramer ay proud na proud din kay Kendra

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Cheska Garcia ang napanalunang medalya ng anak na si Kendra Kramer. Base sa kanyang post ay napanalunan niya ito sa swimming competition.

Cheska Garcia, ibinida ang napanalunang medalya ni Kendra Kramer sa swimming
Cheska Garcia, ibinida ang napanalunang medalya ni Kendra Kramer sa swimming (@dougkramer)
Source: Instagram

Inihayag ni Cheska kung gaano siya ka proud sa kanyang anak. Aniya, siya ay laging magiging loudest cheerer ng anak.

Congratulations Kenny Girl! ♥️ I am so proud of you!!! Mommy will always be your loudest cheerer!!! Your hard work and discipline are slowly paying off. Keep swimming! Can't wait for next season!

Read also

Kylie Padilla, nakiusap na tigilan na ang pangba-bash kay AJ: "Tama na guys, hindi talaga siya"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging ang kanyang amang si Doug Kramer ay proud na proud din kay Kendra.

So proud of you Kenny!

Si Doug Kramer ay sumikat bilang dating professional basketball player na naglaro sa walong koponan sa Philippine Basketball Association. Ikinasal sina Chesca at Doug Kramer noong October 9, 2008. Nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Clair Kendra Kramer, Scarlett Louvelle Kramer, at Gavin Phoenix Kramer. Iniwan ni Chesca ang pag-aartista upang maging full-time mommy sa kanyang mga anak.

Sa kanilang YouTube video, pinakita ng mag-asawang Doug at Chesca ang kanilang bagong condo sa kanilang mga anak. Hiwa-hiwalay na ang kanilang silid at ang disenyo ay binase umano sa gusto nila. Sa kanilang bahay, magkasama sa iisang silid sina Kendra at Scarlet samantalang may sariling silid naman si Gavin. Nagbahagi ng kanilang pasasalamat ang mga bata sa kanilang mga magulang dahil gustong-gusto umano nila ang kanilang mga silid.

Read also

Alodia Gosiengfiao, pinakita kung gaano ka-supportive ang kanyang asawa

Matatandaang binahagi ni Doug ang ilang pictures na kuha sa unang araw ng pagpasok ng panganay na si Kendra Kramer sa regular school. Ito ay matapos ang apat na taon na sa bahay lang sila nag-aaral kasama ang kanyang dalawa pang kapatid na sina Scarlet at Gavin. Papasok si Kendra bilang isang Grade 8 na mag-aaral at ayon kay Doug, sinigurado nilang handa ito sa lahat ng aspeto bago nila mapagpasyahang pwede na siyang pumasok sa regular school. Aniya, si Kendra ay naging magandang halimbawa sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel