Sharon sa taong pinagkukumpitensiya umano sila ni KC: "Patawarin ka ng Diyos"

Sharon sa taong pinagkukumpitensiya umano sila ni KC: "Patawarin ka ng Diyos"

- Naikwento ni Sharon Cuneta kay Ogie Diaz ang tungkol sa taong tila pinagkukumpitensya sila ng anak na si KC Concepcion

- Emosyonal si Sharon nang idetalye ang nakararating umano sa kanya na posibleng dahilan bakit tila malayo ang loob sa kanya ng panganay na anak

- Dalangin na lang niya na hindi ito paniwalaan ni KC gayung walang katotohanan ang mga ito

- Hindi rin umano akalain ni Megastar na may ganoong klaseng taon na kayang maglagay umano ng ganoong klaseng ideya sa isip ng kanyang anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naluluhang naikwento ni Sharon Cuneta ang tungkol umano sa taong tila nagagawang pagkumpitensyahin sila ng anak na si KC Concepcion.

Sharon sa taong pinagkukumpitensiya umano sila ni KC: "Patawarin ka ng Diyos"
Sharon Cuneta (Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na nabanggit ito ni Sharon matapos na kumustahin ni Ogie si Sharon tungkol kay KC na lagi umanong nagiging emosyonal ang Megastar tuwing mapag-uusapan ito.

Read also

Maegan Aguilar, negative umano sa drug test; isiniwalat ang dahilan ng pagpapa-test

"'Yung ayaw kong sumikat 'yung anak ko' sakit na sakit ako 'dun," ani Sharon na hindi napigilan ang luha.

"Kasi sinong matinong magulang lalo kung artista ka ang gugustuhin mong anak pa ng ibang tao 'yung sumikat kaysa sa sarili mong anak? Kung may papalit sa'yo o susunod sa'yo syempre gusto mo 'yung sa'yo 'di ba?"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa umano ito sa nakikita niyang rason ng pagiging malayo sa kanya ni KC.

"Kung meron mang naglagay nu'un sa utak niya, patawarin ka ng Diyos," ang mensahe ng Megastar sa umano'y taong nagsasabi ng mga bagay na iyon sa kanyang panganay na anak.

Hiling din naman ni Sharon na sana'y hindi ito paniwalaan ng kanyang anak gayung walang katotohanan ang mga ito.

"It was so shocking to hear certain things na never nangyari or never man lang dumaan sa isip ko"

Read also

Sharon sa anak na si KC: "Napakabuting bata, 'di lang kami swak ng ugali"

"Parang 'wag mong pagkumpetisyunin 'yung mag-ina," ani Sharon.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Inspires Youtube channel:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Sa part 1 ng panayam ni Ogie Diaz kay Sharon Cuneta, napag-usapan pa nila umano ang tungkol sa mga 'Sharon sa handaan' memes na kinagigiliwan din mismo ng Megastar.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel