Sharon sa anak na si KC: "Napakabuting bata, 'di lang kami swak ng ugali"

Sharon sa anak na si KC: "Napakabuting bata, 'di lang kami swak ng ugali"

- Aminado si Sharon Cuneta na magkaiba umano sila ng ugali ng kanyang anak dahilan ng minsan nilang hindi umano pagkakasundo

- Gayunpaman, todo puri niya ang kanyang panganay na anak at sinabing mabuti ang puso nito

- Naikwento pa niya kung gaano ito kabait bilang bata kaya naman aminado ang Megastar na nami-miss niya ito

- Nilarawan niyang biggest pain niya ang hindi nila pagkakasundo ni KC 'permanently' kaya't pakiramdam niya umano'y di siya kumpleto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal na naglabas ng saloobin si Sharon Cuneta tungkol sa panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Sharon sa anak na si KC: "Mabuti ang puso ng anak ko, 'di lang talaga kami swak ng ugali"
KC Concepcion and Sharon Cuneta (@kristinaconcepcion)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na isa ito sa napag-usapan nila sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

Aminado man si Sharon na may mga bagay na hindi sila nagpagkakasunduan ni KC subalit napakabuting tao raw ng kanyang anak.

Read also

Maegan Aguilar, negative umano sa drug test; isiniwalat ang dahilan ng pagpapa-test

"Mabuti ang puso ng anak ko. Alam ko ang puso ng anak ko kasi 'nung bata 'yan napaka-perfect e... Napaka-perfect, napakabait, napakabuting bata," ani Sharon sa pagbabalik-tanaw niya kung paano si KC lalo na noong bata pa ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Hindi lang siguro talaga kami swak sa ugali," pag-amin ni Sharon dahilan kung bakit hindi umano permanente kung sila ay magkaayos.

"Ngayon ko lang sasabihin kasi that's my biggest pain. Parang anuman ang success mo sa buhay, pero meron kang isang pinakamamahal na ba't ba hindi maayos-ayos nang permanently... Parang hindi ka kumpleto. Hindi ka pa rin successful"

Aminado rin kasi si Sharon na hindi pa niya lubusang kilala ang anak na isa marahil sa dahilan ng minsan na nilang 'di pagkakaintindihan.

"Okay kami, minsan hindi... Okay kami minsan hindi"

Read also

Sharon sa taong pinagkukumpitensiya umano sila ni KC: "Patawarin ka ng Diyos"

"Parang I don't know anything about my eldest daughter's life. Very little lang ang alam ko"

Gayunpaman, umaapaw ang pagmamahal niya kay KC kaya naman aminado siyang nami-miss niya ito at ang dati nilang relasyon.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Update" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Sa part 1 ng panayam ni Ogie Diaz kay Sharon Cuneta, napag-usapan pa nila umano ang tungkol sa mga 'Sharon sa handaan' memes na kinagigiliwan din mismo ng Megastar.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel