Sharon Cuneta, aminadong nalungkot sa pag-unfollow ni KC kina Kiko at Frankie Pangilinan
- Nagsalita si Sharon Cuneta kaugnay sa isyu ng pag-unfollow ni KC Concepcion kina Kiko at Frankie Pangilinan
- Ani Sharon, choice ni KC ang mamuhay nang siya lang nang umalis siya sa kanila dahil pang European ang kanyang sinasabuhay dahil doon ito nag-aral
- Hindi din daw mapigilan ni Sharon ang anak na mamuhay nang siya lang dahil naituro niya rito na maging independent
- Naibahagi ito ni Sharon sa ginanap na media conference para sa kanilang reunion concert ni Gabby Concepcion
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ani Sharon Cuneta, choice ni KC Concepcion ang mamuhay nang mag-isa kaya nalungkot daw siya nang sabihin ni KC na 'she's alone.' Hindi naman daw niya pinigilan si KC dahil gusto din ni Sharon na matuto itong maging independent.
Aniya, being alone ay choice ni KC at lagi siyang kabahagi ng kanilang pamilya. Nabanggit niyang malapit sina KC at Kiko.
Si KC daw ang pinaka-opposite niya sa lahat ng anak niya at ang lakas daw ng dugo ng kanyang papa kaya sila magkasundo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Aminado siyang nasasaktan siya sa pag-unfollow nito pero aniya ay pamilya sila at ito ay family matter.
Masaya daw si Sharon na malapit si KC sa kanyang papa dahil maraming taon silang hindi nagkasama. Nilinaw niya rin na hindi niya kailanman pinagbawalan si Gabby na makita ang kanyang anak.
Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.
Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Cherie Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw nang pumanaw na ito. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagkawala ng kaibigan.
Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt. Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh