Lie Reposposa, binahagi ang Q&A video nila ng kanyang boyfriend

Lie Reposposa, binahagi ang Q&A video nila ng kanyang boyfriend

- Binahagi ni Lie Reposposa ang isang video sa kanyang YouTube channel kung saan sinagot nila ng kanyang boyfriend ang mga tanong mula sa netizens

- Kabilang sa mga natanong sa kanila ay kung paano sila nagkakilalang dalawa

- Nakwento nilang sa Instagram sila unang nagkakilala at dahil dito ay love daw nila ang IG

- Kwento pa ni Lee, ni like niya ang IG story Paul Joshua Marsden matapos nilang mag-scroll ng random na tao sa IG

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Lie Reposposa ang Q&A video nila ng kanyang boyfriend na si Paul Joshua Marsden. Nagkakilala umano sila sa Instagram matapos i-like ni Lie ang IG story ni Paul.

Lie Reposposa, binahagi ang Q&A video nila ng kanyang boyfriend
Lie Reposposa, binahagi ang Q&A video nila ng kanyang boyfriend (@liereposposaofc)
Source: Instagram

Gayunpaman, si Paul daw ang unang nag-follow sa kanya at nag-message. Magkaedad lamang sila at anim na buwan lamang ang agwat ng edad nila.

Read also

Lie Reposposa, naikwento na siya ang unang girlfriend ng kanyang British boyfriend

Ayon sa boyfriend ni Lie hindi naman mahirap ang kanilang setup na LDR dahil palagi naman daw silang nagkikita. Anila, tuloy naman ang kanilang komunikasyon at pinagkakatiwalaan nila ang isa't-isa kaya hindi mahirap sa kanila ang kanilang setup.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Kamakailan ay inilabas ni Lie ang kanyang sama ng loob matapos niyang matuklasan ang umano'y pangba-backstab ng kanyang teacher. Aniya, dahil nais niyang mapagsabay ang pagtatrabaho at ang pag-aaral, sinubukan niya ang Alternative Learning System o ALS. Kasabay ng kanyang mensahe kaugnay sa kanyang saloobin sa nasabing teacher, ibinahagi niya ang screenshot ng mensahe ng teacher kung saan makikitang kausap nito ang ilan ding nag-aaral sa ALS. Nasabi pa nito na si Lie umano ay feeling artista na talaga namang inalmahan ng mga tagahanga ni Lie.

Game na game si Melai Cantiveros sa 'Bisaya Challenge' sa kanya ni Kim Chiu. Part 2 na ito dahil ang unang nakasama ni Kim sa kanyang bisaya challenge ay sina Maymay Entrata at Lie. Marami raw ang naghanap kay Melai sa part 1 kaya naman siniguro ni Kim na makakasama na niya ito sa part 2. Lalo pang naaliw ang mga nakapanood dahil sa makulit na tawa ni Kim na tuwang-tuwa kay Melai.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate