Pokwang sa Mother's Day greeting sa kanya: "Tama ka na accla"

Pokwang sa Mother's Day greeting sa kanya: "Tama ka na accla"

- Umalma si Pokwang sa aniya'y "Mother's day greeting sa mother of my child"

- Aniya, dati ay wala namang ganoong pagbati at sinabi niyang plastic at mangga ang galawang ito

- Nagpahiwatig din ito na ginagamit lamang siya dahil aniya ay may movie

- Ito ang kanyang post sa IG story niya kasunod ng pag post ng pagbati ni Lee O'Brian para sa Mother's Day

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Pokwang, "plastic" ang taong di niya pinangalanan na aniya ay may pagbati umano ng Mother's day greeting para sa ina ng anak niya. Nagpahiwatig din ito na ginagamit lamang siya dahil aniya ay may movie.

Pokwang sa Mother's Day greeting sa kanya: "Tama kana accla"
Pokwang sa Mother's Day greeting sa kanya: "Tama kana accla" (@itspokwang27)
Source: Instagram

Aniya, dati ay wala namang ganoong pagbati at sinabi niyang plastic at mangga ang galawang ito.

Ito ang kanyang post sa IG story niya kasunod ng pag post ng pagbati ni Lee O'Brian para sa Mother's Day.

Read also

Lee O'Brian, nagsampa ng counter affidavit sa petition na sinampa ni Pokwang

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Read also

Sarah Geronimo, kinabiliban sa kanyang pagperform ng bagong choreography ng Tala

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel