Coco Martin, inamin mahirap pagsabayin ang pagiging direktor at artista
- Naibahagi ni Coco Martin sa grand media conference ng kanyang seryeng 'FPJ’s Batang Quiapo' ang tungkol sa pagsisimula niya sa showbiz
- Aniya, noong una ay tinitingnan niya ang pag-aartista bilang raket at paraan upang magkaroon siya ng kita at may maipangtustos sa kanyang pamilya
- Naibahagi niya rin kung paano siya natuto pagdating sa pagiging isang direktor
- Gayunpaman, aminado siyang mahirap ipagsabay ang pagiging direktor at pagiging isang artista
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Aminado si Coco Martin na mahirap pagsabayin ang pagiging direktor at artista kaya aniya, tila mali ang desisyon niyang pasukin ang pagiging direktor. Gayunpaman, aniya ay napamahal naman sa kanya ang kanyang trabaho kaya nakakaya naman niya.
Sa ginanap na media conference para sa kanyang seryeng FPJ’s Batang Quiapo ay naibahagi ni Coco ang kanyang pagsisimula sa showbiz hanggang sa kung paano siya natuto sa pagiging direktor.
Wala siyang pormal na training dito ngunit aniya dahil sa kanyang panonood sa mga ginagawa ng mga tao sa likod ng kamera ay unti-unti niyang natutunan ito. Aniya, siya yung tipo ng artista na hindi namamalagi sa tent para makipag-usap lamang sa kanyang kapwa artista.
“Hindi kasi ako 'yung tipo ng artista na nakatambay sa tent at makikipagkuwentuhan sa mga kapwa artista ko. Mahilig ako na nasa labas, ang kakuwentuhan ko 'yung mga staff at cameraman,"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Coco Martin ay unang sumikat sa paggawa ng mga indie films. Siya ang bumida bilang si Cardo Dalisay sa defunct Kapamilya primetime show na FPJ's Ang Probinsiyano. Bukod sa pag-arte, isa na rin siya sa direktor ng nasabing teleserye na malapit nang umabot sa ikalimang taon nito simula nang una itong inere noong September 28, 2015.
Kamakailan ay namataan si Coco Martin sa Translacion 2023 na ginanap noong Enero 9. Patuloy pa rin siya sa pagdalo ng Translacion na matagal na umano niyang panata sa Poong Nazareno. Ngayong taon, magiging bahagi rin umano ito ng kanyang bagong teleserye na 'FPJ's Batang Quiapo.' Pinasalamatan din ni Coco ang kanyang team sa unang taping day ng nasabing bagong serye.
Samantala, labis umano na nakaka-relate si dating Manila city Mayor Isko Moreno sa kwento ng buhay ni Coco. Si Coco ang pinakaunang guest ni Isko sa kanyang YouTube show na Iskovery night. Dahil parehong lumaki sa Maynila, hindi nagkakalayo ang mga pinagdaanan nila sa buhay bago tuluyang makamit ang tinatamasang tagumpay sa kasalukuyan. Naibahagi rin ni Coco ang ilang mga detalye kaugnay sa kanyang bagong teleserye na "FPJ: Batang Quiapo."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh