Vice Ganda, imbes na P3,500 ay P35,000 ang ibinayad sa driver sa Baguio

Vice Ganda, imbes na P3,500 ay P35,000 ang ibinayad sa driver sa Baguio

- Sinorpresa ni Vice Ganda ang driver na nagmaneho para sa kanila mula Baguio hanggang sa Sagada

- Nang matanong ni Vice sa driver kung magkano ang kanilang babayaran ay sinabi nitong 3,500 na lang ang singil niya

- Napag-alaman din ni Vice na maysakit ang anak nito kaya siya naghanap ng raket at nagkataong nakausap nila ito at tinanong kung pwede niya sila ipagmaneho

- Tuwang-tuwa ang naturang driver nang iabot ni Vice Ganda sa kanya ang perang aniya ay gusto niyang makatulong sa pagpapagamot nito sa anak niyang may sakit

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binigay ni Vice Ganda ang P35,000 sa driver na nagmaneho sa kanila ng kanyang kaibigan mula Baguio hanggang sa Sagada. Nang maitanong ni Vice sa driver kung magkano ang kanilang babayaran ay sinabi nitong 3,500 na lang ang singil niya.

Read also

Coco Martin, inamin mahirap pagsabayin ang pagiging direktor at artista

Vice Ganda, imbes na P3,500 ay P35,000 ang ibinayad sa driver sa Baguio
Vice Ganda, imbes na P3,500 ay P35,000 ang ibinayad sa driver sa Baguio (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Kwento ng driver, hindi na siya nakapagpaalam sa kanyang misis na magmamaneho siya para kay Vice. Napag-alaman niyang may sakit ang anak niya. Naghanap umano siya ng mapagkakakitaan nang makausap siya ni Vice kung saan inalok siya kung pwede niya silang ipagmaneho.

Kahit P4,000 ang umano'y kadalasang singil ay P3,500 lang ang siningil niya kina Vice Ganda. Lingid sa kaalaman niya ay P35,000 pala ang ibabayad sa kanya ni Vice.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Vice Ganda, pinag-aral ang isa sa kanyang matalik na kaibigan

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel