Anne Curtis, nakipagkita sa fans niyang hindi nakapasok sa 'It's Showtime'

Anne Curtis, nakipagkita sa fans niyang hindi nakapasok sa 'It's Showtime'

- Ginawan ng paraan ni Anne Curtis na makita siya ng kanyang fans na bigong makapasok sa 'It's Showtime'

- Hindi na umano umabot ang mga ito sa cut-off ng antigen test na isa sa mga kailangang gawin para maging studio audience sa naturang noontime show

- Nagpaabot umano ng mensahe ang isang fan kay Anne na hindi na sila umabot at lingid sa kaalaman nila ay sinubukan daw ni Anne na makahanap ng paraan para makapasok sila

- Gayunpaman, kahit hindi sila nakapasok, naghintay na lamang sila at hindi sila nabigo dahil nakipagkita umano sa kanila si Anne

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hinangaan si Anne Curtis sa pinakita niyang pagpapahalaga sa kanyang mga fans. Sa katunayan, isang post ng fan niya ang umani ng komento dahil binahagi nito na ginawan ng paraan ni Anne na makipagkita sa kanila.

Read also

Coco Martin, inamin mahirap pagsabayin ang pagiging direktor at artista

Anne Curtis, nakipagkita sa fans niyang hindi nakapasok sa It's Showtime
Anne Curtis, nakipagkita sa fans niyang hindi nakapasok sa It's Showtime (@annecurtissmith)
Source: Instagram

Sa binahagi niyang screenshot ng kanilang naging pag-uusap marami ang bumilib na kahit nagtatrabaho ito ay nabigyan niya ng oras na makasagot sa mensahe sa kanya ng fan niya na bigong makapasok sa studio dahil hindi na umabot sa cutoff ng atigen test.

Ikinatuwa nila na pagkatapos ng show ay nakipagkita at nakipagkwentuhan pa umano ito sa kanila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Anne Curtis Smith- Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dhalia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel