Whamos Cruz at Antonette Gail, binahagi ang bonggang birthday celebration ni Meteor

Whamos Cruz at Antonette Gail, binahagi ang bonggang birthday celebration ni Meteor

- Binahagi ni Whamos Cruz at Antonette Gail ang bonggang birthday celebration ng anak nilang si Meteor

- Bukod sa bonggang setup, dumali rin ang mga kilalang social media influencers sa 1st birthday

- Anila, kahit noong hindi pa naisisilang si Meteor ay pinaghandaan na nila itong celebration niya ng kanyang unang kaarawan

- Kahit hindi pa daw nito naiintindihan sa ngayon ay darating ang araw na makikita niya ito at matutuwa siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang binahagi ni Whamos Cruz at Antonette Gail ang mga kaganapan sa ginanap na 1st birthday celebration ng anak nilang si Meteor. Pinasalamatan nila ang The Baby Village Studio para sa magagandang pictures nila.

Whamos Cruz at Antonette Gail, binahagi ang bonggang birthday celebration ni Meteor
Whamos Cruz at Antonette Gail, binahagi ang bonggang birthday celebration ni Meteor
Source: Facebook

Ginanap ang bonggang party sa Okada at dinaluhan ng ilan sa mga bigating social media influencers kagaya nila. Bukod sa magic show, nagpakitang gilas din sina Whamos at Antonette na parehas may inihandang dance numbers para sa kanilang mga bisita.

Read also

Whamos: "Sabit ka nga lang sa asawa mo ikaw pa magaling mag comment"

Anila, kahit noong hindi pa naissisilang si Meteor ay pinaghandaan na nila itong celebration niya ng kanyang unang kaarawan. Kahit hindi pa daw nito naiintindihan sa ngayon ay darating ang araw na makikita niya ito at matutuwa siya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Read also

Christian Merck Grey sa party ng anak ni Whamos: "Para namang ginawa niyong birthday niyo"

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel