Cristy Fermin, kinantahan si Willie Revillame ng "Mamang Sumbatero"

Cristy Fermin, kinantahan si Willie Revillame ng "Mamang Sumbatero"

- Ayon kay Cristy Fermin, napatawad naman na niya si Willie Revillame sa umano'y ginawa nitong panunumbat sa kanyang mga naibigay

- Aniya, matindi naman talaga yung pamamahiya na ginawa sa kanila ngunit hindi niya raw iiwan sa ere si Willie

- Naitanong niya sa kasamahan sa programa niyang "Showbiz Now Na" kung ano ang kantang dapat kay Willie na aniya'y sumbatero

- Kabilang sa kanilang mga kinanta ay "Susumbatero" na hango sa kantang "Babaero" at "Mamang Sumbatero" hango naman sa kantang "Mamang Sorbetero"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinabi ni Cristy Fermin na hindi naman niya iiwan sa ere si Willie Revillame lalo sa kinakaharap nito sa kasalukuyan. Sa kanyang YouTube program na "Showbiz Now Na," pinayuhan niya ito kaugnay sa pagtulong nang bukal sa puso.

Cristy Fermin, kinantahan si Willie Revillame ng "Mamang Sumbatero"
Cristy Fermin, kinantahan si Willie Revillame ng "Mamang Sumbatero" (@Wowowin)
Source: Youtube

Nang maitanong sa kanya kung napawatawad niya na ba si Willie, nasabi niyang sino daw ba naman siya para huwag dinggin ang paghingi nito ng tawad. Gayunpaman, dahil umano sa ginawa ni Willie ay maaring may mga taong takot nang tumanggap ng tulong mula sa kanya.

Read also

Moira Dela Torre, naiabot na ang pinasabay na danggit sa pagpunta niya sa Qatar

Tinatanong niyo ako kung napatawad ko na si Willie. Sino naman ako para hindi makinig sa kanyang parang.. sabihin na natin na tawad. Malalim naman talaga yung ginawa niyang pagpapahiya sa amin. Sino naman ako para tumanggi. Sinabi ko sa kanya, hindi kita iiwan sa gitna ng laban.

Naitanong niya sa kasamahan sa Showbiz Now Na kung ano ang kantang dapat kay Willie na aniya'y sumbatero. Kabilang sa kanilang mga kinanta ay "Susumbatero" na hango sa kantang "Babaero" at "Mamang Sumbatero" hango sa kantang "Mamang Sorbetero.'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Read also

Ogie D sa naunang vlog ukol kay Willie: "Baka di niya napanood kaya nahusgahan tayo"

Sinabi ni Willie na kay Cristy Fermin lang siya humihingi ng dispensa. Sa kanyang mga nabanggit na taong bumatikos sa kanya, hindi umano siya magso-sorry. Gayunpaman, tuloy pa rin ang pasaring ng TV host ng kanyang mga naitulong sa ibang tao na nauna na niyang tinukoy. Aniya, hindi naman siya nanunumbat ngunit nagugulat daw siya sa mga taong nagawan niya ng kabutihan na tinitira siya.

Minabuti ni Willie na linawin ang tungkol sa kumakalat na video kung saan kasama niya si dating presidential spokesperson Harry Roque. Nilinaw niya na pinutol daw ang video na iyon para pagmukhaing tinatawanan niya ang tungkol sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN. Sa pinakita nilang video na kuha noong May 27, 2020 kung saan sinabi ni Willie na malaki ang utang na loob niya sa estasyon dahil doon siya nakilala. Nagbiro pa siya na huwag na siyang idamay at baka ma-bash siya kaugnay sa isyu.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel