Bobby Ray Parks, sinabing biggest dream daw niya na maging provider

Bobby Ray Parks, sinabing biggest dream daw niya na maging provider

- Naibahagi ni Bobby Ray Parks sa podcast na Let It Fly kasama ang iba pang basketbolista ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig

- Aniya, masaya siya sa kanyang buhay ngayon at natagpuan niya ang babaeng pinakamamahal niya

- Bukod pa dito ay masaya siya na tinangga siya bilang pamilya at magkaroon ng dalawang anak

- Aniya, ang pinakapinapangarap niya ay hindi maging best basketball player kundi ang maging isang provider

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Bobby Ray Parks sa Let It Fly podcast ang tungkol sa kanyang personal na buhay. Aniya, masaya siya na makilala si Zeinab Harake at maging ama para kina Lucas at Bia.

Bobby Ray Parks, sinabing biggest dream daw niya na maging provider
Bobby Ray Parks, sinabing biggest dream daw niya na maging provider
Source: Instagram

Nabanggit niya ang kanyang priority sa buhay.

I go back to my priority. I start off with that. There's God, family then basketball. So if those things align the right way I'm good.

Read also

Angelica Panganiban, ikinuwentong muntik na siyang sumuko noon sa breastfeeding

Aniya, ang pinakapinangarap niya ay maging provider at hindi ang maging basketball player.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

My biggest dream was not to be a basketball player but to be a provider.

Puring-puri din niya si Zeinab na naging matatag sa lahat ng kanyang pinagdaanan.

So being able to meet my girl where she's used to the same thing. She's a breadwinner and I salute her for that. She she's strong she's been through the mud she's been through a lot and for her to stand where she's at right now I just definitely commend her for that to take care of two beautiful children Lucas and Bia.

Itinuturing niya raw na blessing ang maging bahagi ng buhay ng mag-iina.

I mean for me just to be part of their life is it's a blessing. I always wanted a family and they accepted me as one of their own. And I look at them as my kids sure it's instant family. That's why I became daddy Ray.

Read also

Ogie D, dinipensahan si Baron Geisler: "They made sure na hindi nakainom si Baron"

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Matatandaang inalmahan ni Zeinab sa kanyang Instagram live ang mga naninisi sa kanya kung bakit hindi nakapaglaro sa FIBA si Bobby Ray Parks. Nilinaw ni Zeinab na todo-suporta siya kay Ray at maging siya ay busy din sa trabaho. May mga nagsasabi kasi na mas inuuna siya ni Ray kesa sa pagba-basketball nito. Nilinaw naman ni Ray na wala namang masama na magkaroon siya ng buhay outside basketball.

Sinulit nina Bobby Ray at Zeinab ang kanilang oras na magkasama sa bakasyon nila sa Bohol. Pabalik na rin kasi si Ray sa Japan sa kanilang pagbabalik sa Manila pagkatapos ng kanilang bakasyon. Sa Instagram live ni Zeinab ay makikita ang anila'y "Bebe time" ng magkasintahan. Sa sobrang busy daw nila sa kanilang mga trabaho ay ngayon lang sila nagkaroon ng oras na magkasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate