Dina Bonnevie, pinangalanan ang mga artistang nais niyang makatrabaho muli

Dina Bonnevie, pinangalanan ang mga artistang nais niyang makatrabaho muli

- Pinangalanan ni Dina Bonnevie ang mga artistang nanaisin niyang makatrabaho muli

- Isa ito sa mga naitanong sa kanya ni Ogie Diaz nang makapanayam siya nito para sa kanyang YouTube channel

- Karamihan ng mga nabanggit ni Dina ay mga mas nakababatang artista na kinakitaan niya umano ng husay at dedikasyon sa trabaho

- Nabanggit din niya si Alma Moreno na aniya'y propesyunal at labis na maaga sa kanyang call time

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Dina Bonnevie, isa sa napag-usapan nila ay ang mga nakababatang artista na nanaisin pa muling makatrabaho ng isa sa maituturing na mahusay na aktres sa bansa.

Dina Bonnevie, pinangalanan ang mga artistang nais niyang makatrabaho muli
Dina Bonnevie (Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na pinangalanan ni Dina ang ilan sa maituturing niyang maayos na makatrabaho kahit halos bago pa lamang ito sa industriya ng showbiz.

Read also

Ogie Diaz sa pananatili ng programang Wowowin: "Edi good news"

Una na rito si Piolo Pascual na binati siya at nangumusta nang 'di inaasahang magkita sila.

"Sabi ko, gusto ko pa rin magtrabaho sa 2. Sana kunin pa rin nila ako sabi kong ganun. 'Yan isa rin yan sa mga gusto kong makatrabaho"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayundin ang mga ilang mga aktres na nakasama niya sa iba't ibang network.

"Si Lovie, magandang magtrabaho 'yan. Si Heart Si Barbie (Forteza), okay naman siya nakatrabaho ko siya, okay siya. Si Kate Valdez, okay naman siya. 'Yan sina Lyca."

Maging si Alma Moreno na kasama niya sa isang programa sa TV5 ay nabanggit din niya dahil sa pagiging on time umano nito.

"Si Ness (Alma Moreno) Sobrang on-time 'yan si Ness. six ang call alas kwatro andun na. Sabi ko, 'Ness sobra ka naman alas kwatro nandito ka na. 'E ang layo ng bahay ko, sabi niya. 'Ayaw ko ma-late, takot ako sa'yo. Nakakaloka ka ha, 'Takot ako sa'yo. On time ako."

Read also

Dina Bonnevie, pinapaalalahanan ng mga anak tuwing nasasangkot sa mga isyu

Narito ang kabuuan ng naging talakayan nila mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Kamakailan, naging kontrobersyal ang naging interview kay Miss Dina Bonnevie ng 'King of Talk' na si Boy Abunda. Doon, nabanggit niyang si Alex Gonzaga ang dating hindi napangalanang aktres na kanyang nakompronta sa set dahil sa pagiging late.

Sa naturang interview, mas naidetalye ni "Miss D" ang umano'y insidente kung saan nagawa niyang makompronta noon si Alex.

Gayunpaman, nilinaw niyang maayos ang kinahinatnan ng naturang pag-uusap na maging siya ay naiyak din matapos maibulalas ang saloobin kay Alex Gonzaga.

Si Dina Bonnevie ang isa sa mga respetadong aktres sa Pilipinas. Nabiyayaan siya ng dalawang anak na sina Danica Sotto at Oyo Sotto. Aktibo pa rin siya sa showbiz at kamakailan ay nagdiwang siya ng kanyang 62nd birthday.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Hot:
Online view pixel