Ogie Diaz sa pananatili ng programang Wowowin: "Edi good news"

Ogie Diaz sa pananatili ng programang Wowowin: "Edi good news"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz kaugnay ng pananatili ng programang Wowowin

- Ito ay matapos na mag-post ni Willie Revillame kung saan ipinakikita umano ang construction ng Wowowin studio

- Ani Ogie, masaya siya sa pananatili ng programang Wowowin dahil mananatili rin ang trabaho ng mga emplyado roon

- Ilan pa naman sa mga empleyado ng programa ay ang mga nawalan ng trabaho sa ABS-CBN

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay komento si Ogie Diaz sa umano'y pananatili ng pagpapalabas ng programang Wowowin ni Willie Revillame.

Ogie Diaz sa papanatili ng programang Wowowin: "Edi good news"
Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na mag-viral ang update ni Willie sa ipinatatayong Wowowin studio sa Starmall.

"Baka sabihin nila plastik tayo. Sa totoo lang, ako'y natutuwa. personally ah. Kasi o, andami nating friends diyan na hindi na mawawalan ng work. Patuloy pa rin silang magtatrabaho kasi po karamihan ng sa ABS-CBN, nung nawalan ng prangkisa, ay na-absorb naman sa ALLTV," ani Ogie.

Read also

Dina Bonnevie, pinangalanan ang mga artistang nais niyang makatrabaho muli

Nilinaw din niya na ang mga naibalita nila sa naunang episode ay pawang mula sa ilang mga artikulo na nagsasabing magsasara na ang ilang mga programa ng ALLTV. Iyon pala, hindi kasama rito ang Wowowin.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Hindi tayo naghahangad ng nagsara, ganyan. E ang mga binabalita lang naman po namin dito e may mga resibo naman na binasa kami. Oo tungkol doon nga sa 'di umano e kumbaga titiklo 'yung ibang programa sa ALLTV."

Gayunpaman, muli niyang binigyang diin na masaya sila at magiging matatag pa rin ang programa at patuloy pa rin ang hanapbuhay ng mga bahagi ng show na ito.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie mula sa YouTube channel niyang Showbiz Update:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Read also

Interview ni Willie Revillame kay Harry Roque sa Wowowin, binalikan ng netizens

Matatandaang minsan na ring natalakay nina Ogie D at Mama Loi sa kanilang channel ang tungkol sa kontrobersyal na pagtatapos ng Darna ni Jane De Leon kung saan ang FPJ's Batang Quiapo naman ang papalit na pagbibidahan ni Coco Matin at Lovi Poe. Mapapanood ito simula sa Pebrero 13.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel