Dina Bonnevie, pinapaalalahanan ng mga anak tuwing nasasangkot sa mga isyu

Dina Bonnevie, pinapaalalahanan ng mga anak tuwing nasasangkot sa mga isyu

- Naikwento ni Dina Bonnevie kung paano siya napapaalalahanan ng mga anak tuwing nasasangkot siya sa mga isyu

- Ito ay matapos siyang matanong ni Ogie Diaz tungkol dito, at nasabi niyang nangyari nga ito bago isa-ere ang interview ni Boy Abunda sa kanya

- Pinayuhan siya ng anak na dahil masyadong honest si 'Miss D', minsa'y ito ang ikinapapahamak niya

- Kamakaila'y naging kontrobersyal nang ikuwento ang umano'y pagkompronta niya sa nakatrabahong si Alex Gonzaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Dina Bonnevie kung paano siya paalalahanan ng mga anak kung may isyu na nadadawit ang kanyang pangalan.

Dina Bonnevie, pinapaalalahanan ng mga anak tuwing nasasangkot sa mga isyu
Dina Bonnevie at anak na si Danica Sotto Pingris (@dinabonnevie)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga naitanong sa kanya ni Ogie Diaz nang maging panauhin siya nito sa kanyang YouTube channel.

Ani Miss D, ang pinakahuli ay nang tawagan siya ng anak bago pa isa-ere ang interview sa kanya ni Boy Abunda.

Read also

Interview ni Willie Revillame kay Harry Roque sa Wowowin, binalikan ng netizens

"Bago mag-air yung show ng interview ko sabi niya, 'Mommy ah, nakita ko, interbyuhin ka ni Tito Boy. I'm just telling you. 'Wag kang magpa-victim sa mga dialogue. Baka kung ano na naman ang sabihin mo diyan. Alam ko naman tuloy-tuloy ka magsalita. You're too frank to a fault. Kaya minsan, 'ayan, that get you into trouble. Masyado kang honest," kwento ni Dina Bonnnevie tungkol sa nasabi ng anak na 'di pangalanan ay naisip ng maraming si Danica Sotto.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

At nang maisa-ere nga ang interview, inakala ni Miss D na magko-komento si Danica ukol dito subalit wala naman na raw itong nasabi pang iba.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Kamakailan, naging kontrobersyal ang naging interview kay Miss Dina Bonnevie ng 'King of Talk' na si Boy Abunda. Doon, nabanggit niyang si Alex Gonzaga ang dating hindi napangalanang aktres na kanyang nakompronta sa set dahil sa pagiging late.

Read also

Ogie D, ibinahagi ang dating guesting ni Harry Roque sa Wowowin: "Eto papanood namin sa inyo"

Sa naturang interview, mas naidetalye ni "Miss D" ang umano'y insidente kung saan nagawa niyang makompronta noon si Alex.

Gayunpaman, nilinaw niyang maayos ang kinahinatnan ng naturang pag-uusap na maging siya ay naiyak din matapos maibulalas ang saloobin kay Alex Gonzaga.

Si Dina Bonnevie ang isa sa mga respetadong aktres sa Pilipinas. Nabiyayaan siya ng dalawang anak na sina Danica Sotto at Oyo Sotto. Aktibo pa rin siya sa showbiz at kamakailan ay nagdiwang siya ng kanyang 62nd birthday.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel