Cristy sa pansamantalang pagsasara ng AMBS 2: "palagay ko 'di kasama si Willie sa mawawala"

Cristy sa pansamantalang pagsasara ng AMBS 2: "palagay ko 'di kasama si Willie sa mawawala"

- Natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na! ang umano'y pagsasara ng AMBS2 at ALLTV

- Matatandaang naging maugong ang balitang ito kamakailan lalo na sa naging pahayag ni Willie Revillame

- Ilan sa mga programang sinasabing mamahinga muna sa ere ay ang 'Moms', 'Toni' at iba pang programa maliban sa 'Wowowin'

- Samantala, posible umanong sa pansamantalang pamamahinga sa ere ng AMBS ay mas lalo pang palalakasin ang naturang network

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa bagong episode nila ng Showbiz Now Na! ngayong Pebrero 6 ay ang umano'y pagsasara ng AMBS2 at ALLTV.

Cristy sa pansamantalang pagsasara ng AMBS 2; "palagay ko 'di kasama si Willie sa mawawala"
Willie Revillame (@alltvph)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naging mas lalong matunog ang pansamantala nitong pamamhinga sa ere nang magbigay reaksyon si Willi Revillame kamakailan ukol dito.

Read also

Kuya Wil sa pansamantalang pagsasara ng AMBS: "Parang natutuwa pa kayo"

Nabalitaan umano nina Cristy na ilang mga show ng AMBS2 ay nag-last shooting day na kabilang na rito ang Moms nina Mariel Padilla, Ruffa Gutierrez at Ciara Sotto.

Nabanggit din nila na maging ang programa ni Toni Gonzaga sa naturang network ay mamamahinga rin muna.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kasi yung kay Toni talaga, bakit ganon? Zero ang rating," pagtataka ni Cristy lalo na at nagpatayo pa si Toni ng sarili niyang studio para sa naturang programa.

Subalit ang tila hindi kasama sa pansamantalang pagsasara ay ang Wowowin ni Willie na saanma'y nabibiyaan ng mataas na rating sa dami ng tumatangkilik at nanonood.

"Nakakalungkot, akala pa naman natin itong AMBS 2 o ALLTV nung unang sulatada. Ito yung magbibigay ng magandang laban sa GMA sa TV5. Malay po natin baka naman itong pansamantalang paghinto ng mga programa ng AMBS2 ang ibig sabihin po nito, mas palalakasin nila ang network."

Read also

Cristy sa nalalapit na ending ng Darna: "Ito yung pinakawalang kadating-dating"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayang showbiz celebrity sa Pilipinas. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Bagama't makailang beses nang inalok na pasukin ang pulitika, minabuti niyang manatili sa programa kung saan umano siya nakakatulong na agad sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel