Jon Gutierrez, mahal pa rin si Jelai Andres: "Hindi pa rin siya napapalitan"

Jon Gutierrez, mahal pa rin si Jelai Andres: "Hindi pa rin siya napapalitan"

- Inamin ni Jon Gutierrez na hindi na mawawala ang kanyang pagmamahal sa dating partner niyang si Jelai Andres

- Aniya, kahit may pinagdadaanan sila sa kasalukuyan ay hindi magbabago ang pagmamahal niya para kay Jelai

- Para kay John, kahit ano raw ang sabihin ng tao laban sa kanya ay wala na siyang pakialam

- Susuportahan niya daw si Jelai sa mga bagay na makakapagpasaya sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Jon Gutierrez, hindi mawawala ang pagmamahal niya para kay Jelai Andres. Sa panayam sa kanya nu Mr. Phoebu$, naibahagi ni Jon na kahit ano raw ang sabihin ng tao laban sa kanya ay wala na siyang pakialam.

Jon Gutierrez, mahal pa rin si Jelai Andres: "Hindi pa rin siya napapalitan"
Jon Gutierrez, mahal pa rin si Jelai Andres: "Hindi pa rin siya napapalitan" (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

Ani Jon, sa tingin niya ay hindi na mawawala at walang makakapagpapabago sa kanyang nararamdamang pagmamahal para kay Jelai.

Read also

Ogie Diaz: "Nakitawa ka pa, kaya wag mamalimos ng simpatya"

Nagbigay din siya ng mensahe para kay Jelai. Bukod sa paghingi ng dispensa, sinabi din ni Jon na susuportahan niya daw si Jelai sa mga bagay na makakapagpasaya sa kanya.

Inihingi niya ng dispensa ang sakit na naidulot niya na maaring nanariwa tuwing nagkakaharap sila sa korte sa pagdinig tungkol sa paghihiwalay nila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Jelai Andres ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Sa kainitan ng pagputok ng balita tungkol sa muling paghihiwalay nila ni Jon, hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob kay Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Read also

Vice Ganda, binati ang aniya'y mga "clean at mga kapwa niya dirty"

Isa sa naging highlight ng isang vlog episode ni Jelai ay ang No Reaction Challenge nila ni Buboy Villar. Magpapagalingan sila sa pagpigil sa kanilang sarili na sumigaw o magpakita ng reaksiyon sa kanilang pagsakay sa mga extreme rides sa isang amusement park. Habang sumasakay sila sa isang drop tower ride, hinimatay si Jelai at nakuhanan ito ng video ni Buboy. Agad naman siyang nahimasmasan nang matapos ang oras nila sa naturang ride.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel