Ogie Diaz, matagal nang alam ang tungkol sa relasyon nina Paolo at Yen

Ogie Diaz, matagal nang alam ang tungkol sa relasyon nina Paolo at Yen

- Naikwento ni Ogie Diaz na matagal na umano niyang alam ang tungkol sa relasyon nina Paolo Contis at Yen Santos

- Aniya, kailanman ay hindi nagsinungaling sa kanya si Paolo na itinuturing niya talagang kaibigan

- Kahit pa mali ang nagagawa, umaamin daw si Paolo kay Ogie na ganoon na lamang ang tiwala nito sa kanya

- Katunayan, madalas na mapayuhan ni Ogie si Paolo pagdating sa mga anak nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Update channel ni Ogie Diaz, naikwento nitong matagal na umano niyang alam ang tungkol sa relasyon nina Paolo Contis at Yen Santos.

Ogie Diaz, matagal nang alam ang tungkol sa relasyon nina Paolo at Yen
Ogie Diaz, matagal nang alam ang tungkol sa relasyon nina Paolo at Yen
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano sa masasabing pinagkakatiwalaang kaibigan ni Paolo si Ogie Diaz. Kaya naman ayon kay Ogie, 'di raw talaga ito nagsisinungaling sa kanya.

Read also

Ogie D, sinabing totoo ang iyak ni Paolo Contis sa Boy Abunda interview: "May kasama nang guilt"

"In fairness to Paolo, never nagsinungaling sa'kin yan kahit mali siya"

Kaya naman nausisa ni Mama Loi ang tungkol sa napapabalitang relasyon nina Paolo ay Yen.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Di ko naman tinatanong dahil alam ko namang sila," ani Ogie.

"'Nung kelan ba sila nag-Baguio." sagot ni Ogie D sa kung kailan marahil nagsimula ang pagkakamabutihan ng dalawa.

"Diyos ko, magkasama kayong dalawa sa Baguio, anong gagawin niyo dun," dagdag pa nito.

Matatandaang, nagkasama sa pelikulang 'A Faraway Land' noong 2021 ang dalawa. Kaya naman espekulasyon ng marami na ito rin umano ang hudyat ng hiwalayan noon ni Paolo at dating partner na si LJ Reyes.

Noong Nobyembre 2022, nagawa nang batiin ni Paolo si Yen sa kaarawan nito na tinawag pa niyang "My Best Actress." Matatandaang wagi bilang Best Actress sa Gawad Urian si Yen sa pagganap nito sa pelikula nila ni Paolo.

Read also

Alex Gonzaga, nanganganib umano sa mga endorsements ani Cristy Fermin

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Kamakailan nga ay labis na naging usap-usapan ang interview ni Ogie Diaz sa dating partner ni Carlo Aquino na si Trina Candaza. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naibulalas ni Trina ang kanyang saloobin sa hiwalayan nila noon ni Carlo na alam naman ng marami na hindi naging maayos. Magpasahanggang ngayon nga ay may ilang post si Trina na napansin ng netizens na tila patama sa umano'y kinahinatnan ng kanyang relasyon sa aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel