Ogie D, sinabing totoo ang iyak ni Paolo Contis sa Boy Abunda interview: "May kasama nang guilt"

Ogie D, sinabing totoo ang iyak ni Paolo Contis sa Boy Abunda interview: "May kasama nang guilt"

- Totoo umano ang emosyon na ipinakita ni Paolo Contis sa interview sa kanya ni Boy Abunda

- Hindi na kasi nito napigilan ang kanyang luha nang mapag-usapan nila ang tungkol sa kanyang mga anak

- Ani Ogie Diaz, hindi peke ang pagluhang iyon ni Paolo na sinusubukan pa umano niyang pigilan

- May kasama na umanong guilt ang mga luha niyang ito kaya naman naibahagi rin ni Ogie ang payo niya kay Paolo na makipag-ugnayan pa rin sa mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi raw peke ang at lalong hindi arte lang ang iniluha ni Paolo Contis sa interview sa kanya ni Boy Abunda kamakailan.

Ogie D, sinabing totoo ang iyak ni Paolo Contis sa Boy Abunda interview; "May kasama nang guilt"
Paolo Contis and Summer (@paolo_contis)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na maging si Ogie Diaz ay magpapatotoong totoo ang emosyon ni Paolo sa naturang interview lalo na nang mapag-usapan ang tungkol sa mga anak ng aktor.

Read also

Vlogger na aminadong hirap magbasa noon, maraming tao na ang natulungan

"Kilala ko yan 9 years old palang. Alam ko kung kelan siya namemeke ng iyak. para mabasag, para magaralgal yung kanyang tinig, tapos lumulunok-lunok pa si paolo nun, talagang pinipigilan niya kaya lang hindi na niya makayanan kasi anak na ang pinag-uusapan," paliwanag ni Ogie Diaz na maituturing na isa sa mga pinakamalalapit na kaibigan ni Paolo sa showbiz.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kasi Jegs, yung iyak ni Paolo may kasama nang guilt. Ang dami niya talagang pagkukulang sa kanyang mga anak," dagdag pa niya.

Ayon pa kay Ogie, madalas umano niyang sabihan o payuhan si Paolo na makipag-ugnayan sa mga anak.

"Paolo,wala kang hindi kinaya, kayanin mo yan," ang mensahe ni Ogie D sa kaibigan.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na Ogie Diaz Inspires at Ogie Diaz Showbiz Updates dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Read also

Nora Aunor, hindi pa nanunumbalik lakas ng pangangatawan

Kamakailan nga ay labis na naging usap-usapan ang interview ni Ogie Diaz sa dating partner ni Carlo Aquino na si Trina Candaza. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naibulalas ni Trina ang kanyang saloobin sa hiwalayan nila noon ni Carlo na alam naman ng marami na hindi naging maayos. Magpasahanggang ngayon nga ay may ilang post si Trina na napansin ng netizens na tila patama sa umano'y kinahinatnan ng kanyang relasyon sa aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel