Trina Candaza sa naging dahilan ng hiwalayan nila ni Carlo Aquino; "I think everybody knows it"

Trina Candaza sa naging dahilan ng hiwalayan nila ni Carlo Aquino; "I think everybody knows it"

- Pinili ni Trina Candaza na hindi na lamang ibunyag ang naging dahilan umano ng hiwalayan nila ni Carlo Aquino

- Isa sa rason ay dahil sa maaring mapanood umano ng kanilang anak na si Mithi balang araw ang naturang interview

- Nabanggit din niya ang mga hindi pagkakaunawaan nila ni Carlo at inaming maging siya ay naging toxic na rin sa kanila

- Nabigyan din ng pagkakataon si Trina na masabi ang kanyang panig sa kontrobersyal na pahayag ukol sa kanilang anak na hindi na umano nito nakakasama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinili ni Trina Candaza na hindi sagutin ang katanungan ng lahat kung bakit nga ba talaga sila naghiwalay ng aktor na si Carlo Aquino.

Trina Candaza sa naging dahilan ng hiwalayan nila ni Carlo Aquino; "I think everybody knows it"
Trina Candaza (@trinacandaza)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa mga naging katanungan sa kanya ni Ogie Diaz nang makapanayam siya nito.

Read also

Trina sa oras ni Carlo sa anak; "Mithi doesn't deserve na may kahati sa time"

"It's a vary easy question Mama Ogs pero knowing na pwede 'tong mapanood ni Mithi, I'd rather not to answer the question na lang... But I think, everybody knows it," ang nasabi na lang ni Trina.

Naikwento rin nito na nagsimula ang hindi umano nila pagkakaunawaan ni Carlo ay nang maipanganak na niya ang kanilang supling.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, nabanggit pa rin ni Trina ang pagiging hands on dad ni Carlo sa kanilang anak noong sila ay magkakasama pa.

"Kapag nasa bahay naman kami. Sobrang hands on naman niya... Talagang pinapalitan niya ng diaper si Mithi, pinapaliguan niya nialalro niya, tinitimplahan niya ng gatas," pagbabalik-tanaw niya.

Subalit ang aminado naman siyang na-offend nang sabihin ni Carlo na sustentado umano silang mag-ina ngunit hindi manlang nito nakakasama muli ang anak mula pa raw noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Read also

Trina, naikwento ang tungkol sa ipinadalang flowers ni Carlo noon kahit hiwalay na sila

"I feel offended... Kasi I work hard din to provide... Ako yung nag-aalaga, ako yung nandiyan ako yung napupuyat. ako yung nagha-handle ng tantrums ako yung nagdidisiplina sa anak ko... Kailangan ko rin mag-provide"
"Pwede naman niyang sabihin na nagsusustento siya kay Mithi kasi totoo yun pero para sabihing binubuhay din niya ako parang... dalawa kami. Nakaka-offend sa part ko yun Mama Ogs Kasi nagtatrabaho din ako"

Narito ang kabuuan ng emosyonal na panayam kay Trina mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Kamakailan, bukod sa naging pahayag ni Carlo sa paghiram niya sa anak na si Mithi, gumawa rin ito ng ingay sa social media nang aminin ang estado ng relasyon nila ng aktres na si Charlie Dizon.

Matapos nga ang naturang rebelasyon, umugong din sa socmed ang post ni Trina na agad na inakala ng netizens na patama umano sa dati nitong kasintahang si Carlo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel