Ogie D, emosyonal nang makita ang post ni Kris: "Ang tapang-tapang mo naman!"

Ogie D, emosyonal nang makita ang post ni Kris: "Ang tapang-tapang mo naman!"

- Aminadong naging emosyonal si Ogie Diaz nang makita ang kalagayan ni Kris Aquino

- Buong tapang kasi nitong ipinakita ang kanyang pinagdaanan dala ng kanya paring rare illness

- Subalit sa pinakahuling post nito, makikitang bumubuti na ang kanyang lagay at nakakapamasyal pa kasama ang mga anak

- Patuloy pa rin ang gamutan ni Kris Aquino sa Amerika at hiling ng marami na mas mapadali na ang kanyang paggaling

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa si Ogie Diaz sa labis na natutuwa sa pinakabagong update kay Kris Aquino kung saan makikita kung gaano umano ito katapang sa pakikipaglaban sa kanyang karamdaman.

Ogie D, emosyonal nang makita ang post ni Kris; "Ang tapang-tapang mo naman!"
Kris Aquino (@krisaquino)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa mga pinakabagong IG post ng 'Queen of all Media,' makikita rin na malaki umano ang improvement ni Kris sa kanyang kalusugan.

Read also

Tindero ng ice candy na may British accent, hinangaan ng marami

"Sa opisina ko pinanood, umiyak ako 'nung sinabi ni Kris na wala sa anumang bahagi ng kanyang organs ang tinamaan ng cancer o tumor," ang naibahagi ni Ogie D.

Kaya naman aminado si Ogie na bilib ito sa pinakikitang katapangan ni Kris lalong-lalo na para umano sa mga anak nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Kris Aquino, ang tapang-tapang mo naman! Nakakaloka ka. Hindi ko kaya 'yung tapang mo. Talagang wala siyang pakialam i-post niya yung kanyang ano deglamorized siya na talagang kahit lumubog na 'yung kanyang panga, tapos marami pa siyang parang galos, bilang allergic reaction sa siguro sa iniinom niyang gamot. Pero matapang niya itong hinarap at tinanggap at nilalabanan. All for the love of her sons," ani Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Read also

Anak ng OFW na tumanggi sa $100, proud sa ina; "That's our Nanay!"

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Kamakailan nga ay labis na naging usap-usapan ang interview ni Ogie Diaz sa dating partner ni Carlo Aquino na si Trina Candaza. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naibulalas ni Trina ang kanyang saloobin sa hiwalayan nila noon ni Carlo na alam naman ng marami na hindi naging maayos. Magpasahanggang ngayon nga ay may ilang post si Trina na napansin ng netizens na tila patama sa umano'y kinahinatnan ng kanyang relasyon sa aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica