Cristy Fermin, inalmahan ang mga nagsabing landgrabber umano si Bea Alonzo

Cristy Fermin, inalmahan ang mga nagsabing landgrabber umano si Bea Alonzo

- Napag-usapan sa Showbiz Now Na! ang umano'y nag-akusa kay Bea Alonzo na isa umano itong landgrabber

- Komento ito ng netizen na may username na @ALOveyoutoo sa vlog ni Bea kung saan nagpakain siya sa ilang kapitbahay nilang katutubong Aeta

- Sinasabing ang lupang tinutukoy ng netizen ay ang Beati Firma na pagmamay-ari ni Bea

- Hindi ito pinalampas ng pamilya ng aktres na bibigyan ng kaukulang aksyon ang paratang ng netizen

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa bagong episode Showbiz Now Na! ay ang naging pahayag ng netizen na may username na @ALOveyoutoo tungkol kay Bea Alonzo.

Cristy Fermin, inalmahan ang mga nagsabing landgrabber umano si Bea Alonzo
Bea Alonzo kasama ang kanyang Mommy Mary Ann (@beaalonzo)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay ang akusasyon sa aktres na umano'y landgrabber sa lupain nito sa Zambales.

Matatandaang nagkaroon ng vlog si Bea kung saan nagpakain ito sa mga kapitbahay nilang katutubong Aeta sa kanilang farm sa Beati Firma.

Read also

Alex Gonzaga, nanganganib umano sa mga endorsements ani Cristy Fermin

Doon nakapagkomento ang @ALOveyoutoo na "That's nice. How about giving their land back"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Hindi raw po ito gagawing biro-biro ng pamilya ni Bea," ani Cristy na isa sa mga humahanga sa aktres lalo na pagdating sa paghawak nito ng kanyang pinagpagurang salapi.

"Hindi dapat pinalalampas ang mga taong may malisya ang mga nilalabas na balita... sampolan!" dagdag pa niya.

Maituturing na nga umanong inspirasyon si Bea hindi lamang sa kapwa niya artista ngunit sa ibang tao rin na magsumikap at makamit ang tinatamasang biyaya nito ngayon. Subalit, mayroon pa rin umanong mga taong naisipan siya ng hindi maganda.

"Isang napakaganda pong ehemplo si Bea Alonzo sa kapwa niya artista na talagang ang galing-galing humawak ng kanyang pinaghihirapan 'di ba?"
"Tapos sasabihin niyo, landgrabber na may naipapakita sa inyong mga dokumento na dumaan sa napakagandang proseso ito. Nagkabayaran sa tamang halaga."

Read also

Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jorhomy sa ika-40 days nito

Sinasabing nag-deactivate na umano ng kanyang account ang naturang netizens subalit, hindi pa rin umano ito makakawala sa batas.

Hiling lamang umano ng kampo nina Bea na humingi ito ng paumanhin sa kanila.

"Nawawala ka na, pero hindi titigil ang pamilya. Kailangan kang bigyan ng leksyon. Hanggang hindi mo nire-retract itong pinalutang mo na landgrabber si Bea Alonzo"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel