Cristy Fermin, sa concert ni Toni G; "'Yung mga nagsasabing sold out, hindi po!"
- Natalakay nina Cristy Fermin Sa Showbiz Now Na! ang kinalabasan ng concert ni Toni Gonzaga
- Aniya, hindi basta masasabi na sold out ang nasabing concert ni Toni na may makikitang mga bakante pang upuan
- Nabalot pa ito ng kontrobersiya dahil sa umano'y hakot ang karamihan ng mga naroon
- Hindi rin daw umano ginagamit ang teminong 'sold out' sa naturang konsyerto gayung hindi lahat ng mayroong tiket ay nakadalo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang 20th anniversary concert ni Toni Gonzaga noong Enero 20.
Nalaman ng KAMI na kabi-kabilang kontrobersiya ang kinakaharap ng concert na ito kung saan sinasabing 'hakot' ang karamihang taong nanonood.
Ito ay ay dahil umano sa mga ipinamimigay na tiket malapit mismo sa Araneta Coliseum.
Mayroon ding isang senior citizen umano na nag-viral kamakailan matapos na sabihing 'secret' nang matanong kung saan galing ang tiket nito sa concert ni Toni G.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"May nagsasabi pang naku! mas marami siguro 'yan kung may pa-merienda 'yung mga hinakot... 'Wag na po! Libre na nga po ang ticket niyo, hahanap pa ba tayo ng merienda. OA na po 'yun," komento ni Cristy.
Gayundin ang paggamit nila ng termino na sold out, gayung hindi naman totoong sold out ang naturang konsiyerto.
"Preno-preno yung mga nagsasabing sold out! Hindi po," ani Cristy.
Paliwanag niya, maaring nabili umano ang mga tiket ngunit hindi naman lahat ay nakadalo.
"Marami pong bakanteng upuan na hindi maiiwasan na hindi naman lahat ng pinagbigyan ng tiket, available."
"Magpakatotoo tayo. Mayroon ngang nagsasabi na na nakakatulog ba kayo sa pagsasabi niyo ng ganyan? ... Truth will set you free," ayon pa kay Cristy.
Marami rin ang nakukulangan din umano sila sa mga performances ng mga panauhin ni Toni. Na dahil sa 20th anniversary nito, sana manlang ay nabigyan siya ng mensahe ng mga sinasabing kaibigan niya sa showbiz tulad nina Vice Ganda, Vhong Navarro at Luis Manzano.
Gayunpaman, nabanggit naman ni Cristy na nagpapasalamat umano at may tao ang Araneta Coliseum.
Isang video na kuha rin umano sa naturang concert ni Toni ang lumabas kung saan nagbiruan ang magkapatid tungkol sa cake.
Ani Toni, na nag diriwang din ng kanyang kaarawan, wala umano siyang cake sa naturang concert dahil inilalayo na nila umano ito sa kapatid na si Alex. Matatandaang halos kakahupa lamang ng isyu kay Alex na namahid 'di umano ng icing ng kanyang cake sa waiter na may dala nito.
Matatandaang gumawa rin ng ingay kamakailan ang mister ni Toni na si Direk Paul Soriano nang sabihin umano nitong most powerful celebrity ang kanyang misis.
Inalmahan naman ito ng ng marami dahil sa ang naging basehan nila umano ay ang pelikula nitong My Teacher na hindi manlang nakapasok sa top 4 ng MMFF movies noong 2022.
Gayunpaman, base sa inilabas nilang video at mga nakapanood mismo, tila bumawi si Toni at masasabng isang tagumpay ang kanyang 20th anniversary concert.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh