Ellen Adarna, sinabing ang 'presence at existence' niya ang ambag sa bahay nila ni Derek Ramsay

Ellen Adarna, sinabing ang 'presence at existence' niya ang ambag sa bahay nila ni Derek Ramsay

- Naitanong kay Ellen Adarna kung ano umano ang kontribusyon nito sa bahay na tinitirhan nila ng asawang si Derek Ramsay

- Sagot ni Ellen, ang kanyang 'presence at existence' daw ang kanyang ambag

- Ito ang kanyang sagot sa isa sa mga tanong sa kanya ng mga netizens na nagpapadala ng katanungan nila sa Q&A ni Ellen na kanyang sinasagot sa IG stories

- Matatandaang ang bahay na kanilang tinitirhan ay naipatayo na ni Derek kahit noong hindi pa sila mag-asawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naitanong kay Ellen Adarna kung ano umano ang kanyang kontribusyon sa bahay na tinitirhan nila ni Derek Ramsay. Sagot ni Ellen, ang kanyang 'presence at existence' daw ang kanyang ambag.

Ellen Adarna, sinabing ang 'presence at existence' niya ang ambag sa bahay nila ni Derek Ramsay
Ellen Adarna, sinabing ang 'presence at existence' niya ang ambag sa bahay nila ni Derek Ramsay (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram
What is your contributions to the house you are living with Derek now?

Read also

Toni G, ibinahagi ang highlights ng kanyang concert; Daddy Bonoy, napasabak sa kantahan

Matatandaang ang bahay na kanilang tinitirhan ay naipatayo na ni Derek kahit noong hindi pa sila mag-asawa.

Ellen Adarna, sinabing ang 'presence at existence' niya ang ambag sa bahay nila ni Derek Ramsay
Ellen Adarna, sinabing ang 'presence at existence' niya ang ambag sa bahay nila ni Derek Ramsay (@maria.elena.adarna/IG Stories)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Read also

Ellen Adarna, nakakatanggap ng dibidendo mula sa pamilya

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel