Dani Barretto, iyak nang iyak dahil sa nailabas na video ni Alex ayon kay Ogie Diaz

Dani Barretto, iyak nang iyak dahil sa nailabas na video ni Alex ayon kay Ogie Diaz

- Nai-detalye umano ni Ogie Diaz ang kaugnayan ni Dani Barretto sa lumabas na video ni Alex Gonzaga na kuha sa kanyang party

- Aniya, si Dani Barretto ang naglabas ng naturang video na agad niyang binura

- Sinasabing sinamahan lang umano ni Dani ang mister na DJ sa naturang party

- At dahil sa tila natutuwa umano ito sa nakikita, ilang video ang kanyang nakunan at naibahagi kabilang na ang pagpahid ng icing ng cake ni Alex sa waiter na may hawak nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabigyang detalye ni Ogie Diaz kung paano nga ba lumabas ang video ng kontrobersyal na video ni Alex Gonzaga.

Dani Barretto, iyak nang iyak dahil sa nailabas ng video ni Alex ayon kay ayon kay Ogie Diaz
Dani Barretto (@dannybarreto)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kuha umano ito ni Dani Barretto na sinamahan lang umano ang mister na DJ ng 35th birthday ni Alex.

Matatandaang sa IG story ni Dani lumabas ang video ni Alex na namahid ng icing sa mukha ng waiter na may dala ng kanyang cake.

Read also

Tweet ukol sa mga encounter kay Alex Gonzaga, nagmistulang big reveal ayon kay Ogie D

"Ayon sa isa kong source, ang invited talaga doon ay ang asawa ni Dani Barretto na nagdi-DJ doon. So sinamahan niya 'yung asawa niya doon, at syempre sa katuwaan ni Dani Barretto 'di ba, nahuli niya na ginanon yung cake. Siyempre in-IG story na dinilete din ni Dani Barretto," ani Ogie D.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinasabing iyak daw ng iyak si Dani sa nangyari bagaman at wala pa itong inilalabas na pahayag ukol sa insidente.

"Itong si Dani Barretto, nag-iiiyak. Dahil nga ito nga binomba nang binomba si Alex sa social media. Inokray nang inokray na napakasagrado na sana nung birthday na sana walang nagco-cover dahil nagwawala 'yung mga bisita. Dahil doon lang sila nakakakilos ng walang camera lahat magkaka-close," pahayag ni Ogie na hiling na sana'y magsilbing aral ang nangyaring ito sa marami.

Read also

Ogie Diaz, pinaalalahanan si Alex Gonzaga kaugnay cake issue nito kamakailan

Si Alex Gonzaga ay isang komedyante, host at vlogger ng Pilipinas. Siya ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Kasalukuyang trending si Alex sa Twitter dahil sa nagawa nito sa isang waiter sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan kamakailan.

Sinabing nagkausap na sina Alex, nakahingi na umano ng tawad si Alex sa naturang waiter sa pamamagitan ng isang pahayag na pirmado ng umano'y naagrabiyado.

Samantala, sa naturang episode din ng Showbiz Update, pinaalalahanan din ni Ogie Diaz si Alex na maging conscious sa ikinikilos nito lalo na kung may nakatutok umano sa kanyang camera o mayroong naka-live stream sa kanyang mga kasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel