Chito sa lagay ng kabandang si Gab; "Gabriel was diagnosed with lymphoma"
- Inihayag ni Chito Miranda ng bandang Parokya ni Edgar ang kalagayan ng kabanda nilang si Gab Chee Kee
- Aniya, na-diagnose ito ng lymphoma noong nakaraang taon dahilan upang mawala ito sa kanilang mga gig
- Ayaw pa sanang ipaalam ni Gab ang kanyang sitwasyon sa publiko dahil ayaw nitong makaabala sa iba
- Dahil sa komplikasyon ng kanyang karamdaman, kasalukuyan itong nasa ICU at intubated na sa loob ng isang linggo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Isinapubliko na ni Chito Miranda ang kalagayan ng kabanda niyang si Gabriel Ignatius "Gab" J. Chee Kee ng Parokya ni Edgar.
Nalaman ng KAMI na sa kanyang personal social media account, isinalaysay ni Chito ang kalagayan ni Gab na na-diagnose na mayroong lymphoma.
"Gabriel was diagnosed with lymphoma late last year, and has been undergoing chemotherapy for the past few months. Despite his situation, he was relatively doing ok, and thought it would be best not to let everyone know what he was going through, because he didn't want anyone worrying about him," ani Chito.
Subalit dahil sa inabisuhan na rin si Gab ng kanyang doktor na magpahinga, hindi na ito nakakasama sa gig ng banda.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dahil dito, nagdesisyon din sina Chito na hindi na muna sana tumugtog habang nagpapagaling si Gab subalit hindi ito pumayag at sinabing magpatuloy lamang.
"Pero kina-usap kami ni Gab and asked us to continue playing, because he doesn't want us to stop playing just because we're waiting for him to get better. So we did."
Gayunpaman, dala umano ng komplikasyon ng kanyang karamdaman, kinailangan ilipat na sa ICU si Gab at mahigit isang linggo na umano itong intubated.
"Unfortunately, due to complications brought about by his condition, he is now battling pneumonia and was recently transferred sa ICU and has been intubated for more than a week already."
Handa naman umano sa gastusin sa chemotherapy si Gab subalit dahil sa kalagayan nito ngayon sa ICU, kinakailangan na ng tulong ng kanyang pamilya.
"He was financially prepared naman for the chemotherapy...but now, his family needs help with the overwhelming hospital bills."
Dahil dito, ilang mga kaibigan nilang artists ang tahimik na nag-fund raise para kay Gab at pinasalamatan naman ni Chito sa kanya pa ring post.
"Parokya and our friends from music scene will be doing a series of fundraising gigs to help Gab out...most of which won't even be announced as fundraisers. Tahimik lang sila na tutulong. (pasenya na guys kung in-annouce ko na ha? I know that ang initial usapan natin was not to disclose the details...pero paano makakatulong yung mga nagmamahal kay Gab na nais tumulong, kung di nila alam?)"
Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:
Ang Parokya ni Edgar ay isa sa mga kinikilalang banda sa Pilipinas na nabuo noong 1993. Sumikat sila sa kanilang mga novelty rock songs na magpa-hanggang ngayon ay kinakanta at tinatangkilik ng makabagong henerasyon.
Ang kanilang lead vocalist na si Chito Miranda ay naging judge na rin ng Idol Philippines Season 2. Siya ang mister ng aktres at ngayo'y matagumpay na businesswoman na si Neri Naig-Miranda.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh