Ogie Diaz kay Celeste Cortesi; "Nakukulangan yung ibang netizens sa kanya"

Ogie Diaz kay Celeste Cortesi; "Nakukulangan yung ibang netizens sa kanya"

- Halo-halo ang komento ng netizens sa pambato ng Pilipinas sa 71st Miss Universe na si Celeste Cortesi

- May mga nagsasabing tila nakukulangan sila sa ipinamamalas ni Celeste at naikukumpara pa ito kina Pia Wurtzbach at Catriona Gray na naiuwi ang korona sa Pilipinas

- Maging si Ogie Diaz ay napapansin na tila nahihiya umano si Celeste base sa mga mata nito

- Payo ni Ogie na itodo na dapat ni Celeste lalo pa at nalalapit na ang coronation night

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay sa Ogie Diaz Showbiz Update ay ang laban ni Celeste Cortesi sa ginaganap na 71st Miss Universe sa New Orleans, Louisiana USA.

Ogie Diaz kay Celeste Cortesi; "Nakukulangan yung ibang netizens sa kanya"
Celeste Cortesi (@celestecortesi)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na umani ng iba't ibang reaksyon ang pre-pageant performance ni Celeste.

"Kung ano-ano na naman ang komento ng mga accla! Mixed reaction sila," ani Mama Loi.

Read also

Trina Candaza sa paghiram ni Carlo sa anak nilang si Mithi; "It's just that, hindi siya pumupunta"

"May mga natutuwa, May nakukulangan, may nagkukumpara," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil dito, hindi rin maiwasan na maikumpara si Celeste sa mga naging pambato ng Pilipinas na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray na naiuwi ang korona dahil sa pagpapakitang- gilas sa pretihiyosong pageant.

"At syempre nakakaloka, napanood ko nga sa news, sa TV Patrol kung paano rumampa si Cortesi... Parang hiyang-hiya yung mata niya. Kitang-kita ko, syempre nagtuturo ako ng acting workshop. Nahihiya yung mata niya," ang naging komento naman ni Ogie Diaz.

"Syempre sa ganyang pageant, todo mo na! Ipinagmamalaki mo na ikaw ay kandidata ng Pilipinas. At chini-cheer ka namin...Nakukulangan yung ibang netizens sa kanya," dagdag pa nito.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Read also

Ogie D sa bagong serye ni Coco; "Suggestion ko siguro, mag-iba naman ng line up ng mga stars"

Si Silvia Celeste Rabimbi Cortesi "Celeste Cortesi" ay isang Filipino-Italian model na siyang kinatawan ng Pilipinas sa ginaganap ngayon na Miss Universe 2022 sa Amerika.

Sakaling masungkit ni Celeste ang korona, ito na ang ikalimang beses na makakakuha Miss Universe ang bansa. Kabilang na rito sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray na tatlong taon lang ang naging pagitan nang makuha ang Miss Universe title noong 2015 at 2018.

Matatandaang naging konetrobersyal pa ang pagkapanalo ni Pia nang ang matawag nig host na si Steve Harvey ay si Miss Colombia, Ariadna Gutiérrez subalit makalipas ang ilang minuto ay nilinaw niyang si Miss Philippines Pia Wurtzbach ang siya talagang nanalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel