Donnalyn Bartolome, umalma sa komento sa sportscar vlog nya: "Taken out of context"
- Umalma si Donnalyn Bartolome sa mga nagkomento tungkol sa vlog niyang kung saan sinabi niyang niregaluhan siya ng sportscar ng kanyang mga magulang noong 16 pa lang siya
- Aniya, hindi naman niya iyon tinago at hindi niya naramdamang achievement para sa kanya ang natanggap na regalo
- Nilinaw niya rin na dati silang naghirap noong mas bata pa siya at aniya ay hindi lang okay sa kanya na i-twist ang kanyang timeline para husgahan siya
- Matatandaang nag-ugat ang isyu dahil sa kanyang naunang post na ani Donnalyn ay inamin niyang maling mga salita ang kanyang nagamit
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Inalmahan ni Donnalyn Bartolome ang mga nanghuhusga sa kanya base sa kanyang naunang vlog kung saan nasabi niyang nakatanggap siya ng sportscar noong 16 siya mula sa kanyang mga magulang. Nilinaw niya rin na dati silang naghirap noong mas bata pa siya at aniya ay hindi lang okay sa kanya na i-twist ang kanyang timeline para husgahan siya.
Aniya, mula noong siya ay 1-6 na taong gulang, iyon ang tinutukoy niyang hindi komportable ang kanilang buhay. 11 taong gulang na umano siya nang mag-umpisa siyang mag-alaga ng kanyang mga nakababatang kapatid.
Yung 1-6yrs. old yung sinasabi kong pinagdaanan ko hindi kumportableng buhay 6yo malayo nako sa magulang bago nila ako makuha at 10 yrs old. 11yo ako nagstart nagalaga ng kapatid. Nasa record ko din yun sa videos ko noon. Yung 17yo onwards yung struggles sa pinas.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Aniya, hindi naman niya iyon tinago at hindi niya naramdamang achievement para sa kanya ang natanggap na regalo.
Minention ko yan sa vlog dahil meron akong binili for the first time na dream car gamit ang sarili kong pera. Na proud ako dun may nabili ako para sa sarili ko after mo magtrabaho kasi hindi ko feel na achievement yung regalo nila, pag pinanood mo yang vlog yun ang sinasabi ko.
Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.
Matatandaang kamakailan ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot para sa kanyang kaarawan. Aniya, honest mistake iyong nangyari at wala umano siyang intensiyong masama sa kanyang post. Gayunpaman, matapos umano niya mabasa ang mga saloobin ng ilan, napagtanto niyang may punto nga ang mga netizens. Minabuti niyang burahin na lamang ang mga pictures na kanyang na-post kasabay ng kanyang paghingi ng dispensa.
Matapos ang kontrobersiyal niyang birthday photoshoot nasundan ito ng kanyang “kanto style” birthday party na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Sa naturang party, jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan. Kumain din sila ng mga Pinoy street food, nag-videoke at naglaro sila ng mga Pinoy party games. Ilan sa mga dumalo sa kanyang party ay sina Ella Cruz, Zeinab Harake, Jelai Andres, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, at Andre Paras.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh