Kyle Echarri, may sweet birthday message sa 12-anyos na kapatid na may brain tumor

Kyle Echarri, may sweet birthday message sa 12-anyos na kapatid na may brain tumor

- Nagpahayag ng sweet birthday message si Kyle Echarri sa nakababata niyang kapatid na si Bella

- Minsan nang naibahagi ni Kyle ang tungkol sa kapatid na si Bella na mayroon umanong brain tumor

- Proud umano siyang sabihin na "strongest little girl I know" ang kanyang kapatid

- Maging ang mga kilalang celebrities ay bumati rin sa ika-12 kaarawan ni Bella

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isang sweet at madamdaming birthday greeting ang ibinahagi ni Kyle Echarri para sa kanyang kapatid na si Bella noong Enero 8.

Kyle Echarri, may sweet birthday greeting sa kapatid na mayroon umanong brain tumor
Kyle and Bella Echarri (@kyleecharri)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na 12 years old na ang nakababatang kapatid ni Kyle na matatag na hinaharap ang pagkakaroon umano ng brain tumor.

"Happy birthday my princess! Manong loves you more than anything in the world I hope u always know that," ani Kyle.

Read also

Alex Gonzaga kinaaliwan sa kanyang "Scarlet Belo’s mommy for a day" video

Proud umano siya sa ipinakikitang katapangan ng kanyang kapatid at sinisiguro naman ni Kyle na lagi siya nitong maaasahan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"You’re my little warrior and and I’m proud to say my sister is the strongest little girl I know"

"Manong is always by your side in everything you do. I love you princess more than anything/anyone in the world, and it will always stay that way," ani Kyle.

Maging ang mga kilalang celebrities ay nagpabatid din ng kanilang greeting kay Bella.

Ang ilan sa kanila ay sina Donny Pangilinan, KZ Tandingan, Sue Ramirez, Barbie Imperial, Anne Curtis, Charlie Dizon. Isa rin sa mga unang bumati ay ang dati niyang kapareha sa Kadenang Ginto na si Francine Diaz.

Narito ang kabuuan ng post:

Si Kyle Echarri ay bahagi ng 'Gold Squad' na kinabibilangan nina Francine Diaz, Andrea Brillantes at Seth Fedelin mula sa hit afternoon series nila na Kadenang Ginto. Taong 2021, naging bahagi si Kyle ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 10 kung saan sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion.

Read also

Tili, kinilig nang unang makita ang kanyang kapatid: "Tili loves you Maëlys"

Samantala, noong Hunyo 2022 unang naibahagi ni Kyle ang karamdaman ng kanyang nakababatang kapatid na si Isabella. Humiling ng dasal si Kyle para sa kapatid nang makumpirma nila ang pagkakaroon umano nito ng brain tumor. Ayaw pa umano ni Isabella na ipaalam kay Kyle ang kanyang kalagayan sa pag-aalalang na baka makadagdag lang umano sa stress ng kanyang 'manong' sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel