Tili, kinilig nang unang makita ang kanyang kapatid: "Tili loves you Maëlys"

Tili, kinilig nang unang makita ang kanyang kapatid: "Tili loves you Maëlys"

- Binahagi ni Solenn Heussaff sa kanilang vlog ang reaksiyon ni Tili nang una niyang makita ang kanyang nakababatang kapatid

- Makikita sa video na binahagi ni Solenn na tila kinikilig pa si Tili habang pinagmamasdan si Maëlys Lionel

- Sa isang bahagi ng video ay binibigay pa nito sa kapatid ang kanyang laruan at iyon daw ang regalo niya

- Pinahawak naman ng kanyang amang si Nico Bolzico ang bunso sa ate habang nakaupo ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Solenn Heussaff ang nakakaaliw na reaksiyon ni Tili nang una niyang makita ang nakababatang kapatid. Kinikilig pa ito nang makalapit sa kapatid sabay sabing mahal daw niya ito.

Tili, kinilig nang unang makita ang kanyang kapatid: "Tili loves you Maëlys"
Tili, kinilig nang unang makita ang kanyang kapatid: "Tili loves you Maëlys" (@solenn)
Source: Instagram

Isang laruan ang pilit niyang binibigay sa kapatid na si Maëlys Lionel. Aniya, regalo daw niya ito. Kinaaliwan din ang bahagi ng video kung saan pinahawak ni Nico sa ate ang kanyang nakababatang kapatid.

Read also

Rabiya Mateo, nakapundar ng 200-square meter na property para sa ina

Hindi pa tuluyang pinapakita nang malapitan ng mag-asawa ang bagong baby nila. Gayunpaman, marami sa mga viewers ng kanilang vlog ang natuwa at naaliw sa reaksiyon ni TIli:

The interaction of Tili and her little sister is so wholesome!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Literally cried when tili said " I love you, little one" ♥️ She's gonna be an awesome ate ♥️ Congratulations!
Tilibolz has so much love to offer because she also receives overflowing love from her parents. Also, she is so used to taking care of a "sibling" because of Pochi too . As young as she is, super evident na she will be so caring to her little sister

Si Solenn Marie Adea Heussaff-Bolzico ay isang Pinay actress, model, artist at singer. Isa siya sa naging official castaways ng programang Survivor Philippines: Celebrity Showdown kung saan isa siya sa hinirang na Final Three.

Read also

Ogie Alcasid at Regine Velasquez, muling nakasama si Michelle Van Eimeren at mga anak nila

Binahagi kamakailan ni Nico Bolzico ang ilang pictures nila ng ank na si Tili sa kanilang biyahe papuntang Argentina. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Nico na kinailangan nilang magbiyahe na mag-ama nang hindi kasama si Solenn. Sa kanyang binahaging mga pictures ay makikita ang ginawang paraan ni Nico para hindi mainip ang anak sa kanilang mahabang biyahe.

Matatandaang kamakailan ay binahagi ni Nico sa isang Instagram post ang tungkol sa pagsilang sa ikalawang anak nila ni Solenn. Aniya, hahayaan niyang ang asawa niyang si Solenn ang magpakilala sa publiko sa pangalawang anak ngunit ang segurado raw ay "Lionel" ang ikalawang pangalan ng anak. Naibahagi niya rin na masaya at maayos ang kalusugan ng kanyang maybahay. Bumuhos naman ang pagbati at marami ang naaliw sa pagiging palabiro ni Nico maging sa pagbabahagi ng pangyayari sa kanilang buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel