Vlog ni Donnalyn Bartolome kung saan sinabi niyang nagkaroon siya ng sportscar sa edad na 16, usap-usapan

Vlog ni Donnalyn Bartolome kung saan sinabi niyang nagkaroon siya ng sportscar sa edad na 16, usap-usapan

- Mismong si Donnalyn Bartolome ang nagsabi sa isang vlog niya na 16 taong gulang umano siya nang regaluhan siya ng sportscar ng kanyang m,ga magulang

- Sa naturang vlog ay pinakita ni Donnalyn ang kanyang sportscar na aniya ay pinag-ipunan niya

- Muling binalikan ng netizens ang naturang vlog ni Donnalyn sa kasagsagan ng isyu kaugnay sa kanyang post kamakailan

- Kapansin-pansin na dumami ang bagong mga komento sa naturang vlog kahit isang taon na ang nakakalipas nang i-upload niya ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kay Donnalyn Bartolome mismo nanggaling na nabigyan siya ng sportscar ng kanyang magulang noong siya ay 16 pa lamang. Ito ay sa kanyang vlog na naibahagi isang taon na ang nakakalipas.

Vlog ni Donnalyn Bartolome kung saan sinabi niyang nagkaroon siya ng sportscar sa edad na 16, usap-usapan
Vlog ni Donnalyn Bartolome kung saan sinabi niyang nagkaroon siya ng sportscar sa edad na 16, usap-usapan (@donna)
Source: Instagram

Marami ang nadagdag na mga bagong komento sa naturang vlog kasabay ng pagkakasangkot niya sa kontrobersiya dahil sa kanyang post kaugnay sa pagtatanong niya kung bakit may nalulungkot na may trabaho na uli matapos ang mahabang bakasyon.

Read also

Zeinab Harake, inaming muntik na niyang i-delete ang kanyang YouTube channel

Matapos ang pagputok ng isyu kaugnay sa kanyang post ay pinaliwanag ni Donnalyn na mali lamang ang mga salitang kanyang nagamit. Nilinaw niya rin na nagdaan din siya sa hirap kaya naiintindihan niya ang sintimeyento ng mga tao.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Matatandaang kamakailan ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot para sa kanyang kaarawan. Aniya, honest mistake iyong nangyari at wala umano siyang intensiyong masama sa kanyang post. Gayunpaman, matapos umano niya mabasa ang mga saloobin ng ilan, napagtanto niyang may punto nga ang mga netizens. Minabuti niyang burahin na lamang ang mga pictures na kanyang na-post kasabay ng kanyang paghingi ng dispensa.

Matapos ang kontrobersiyal niyang birthday photoshoot nasundan ito ng kanyang “kanto style” birthday party na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Sa naturang party, jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan. Kumain din sila ng mga Pinoy street food, nag-videoke at naglaro sila ng mga Pinoy party games. Ilan sa mga dumalo sa kanyang party ay sina Ella Cruz, Zeinab Harake, Jelai Andres, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, at Andre Paras.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate