McCoy de Leon sa anak na si Felize: "Pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy"

McCoy de Leon sa anak na si Felize: "Pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy"

- Nagbahagi ng mensahe si McCoy de Leon para sa kanyang anak na si Felize

- Marami ang nakapansin na binago nito ang nakalagay na caption sa binahagi niyang picture nilang mag-ama sa Instagram

- Aniya, hindi niya na alam kung paano makakausap ang anak kaya sa kanyang post na lang nilagay ang kanyang mensahe

- Wala pang direktang pag-amin o paglilinaw mula sa kanila ni Elisse Joson kaugnay sa estado ng kanilang relasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binago ni McCoy de Leon ang caption niya sa picture nila ng kanyang anak na si Felize sa Instagram. Binahagi niya ang kanyang mensahe para sa anak.

McCoy de Leon sa anak na si Felize: "Pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy"
McCoy de Leon sa anak na si Felize: "Pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy" (@mccoydeleon)
Source: Instagram

December 19 pa nang i-post ni McCoy ang naturang picture nila ng anak ngunit maiksi lamang ang kanyang unang caption para doon. Sa gitna ng espikulasyong hiwalay na sila ni Elisse, hindi nakalampas sa mga netizen ang mensaheng ito ni McCoy para sa anak.

Read also

McCoy de Leon sinabing sobrang bigat ng problema kaya siya sumuko

Ani McCoy, hiling niya na hindi magbago ang tingin ng anak sa kanya pag lumaki na ito. Humingi din siya ng pasensiya dahil aniya ay hindi na niya kinaya. Aniya, hindi niya na alam kung paano makakausap ang anak kaya sa kanyang post na lang nilagay ang kanyang mensahe.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si McCoy de Leon ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Hashtags ng noontime show na "It's Showtime". Naging bahagi din siya ng isang edisyon ng "Pinoy Big Brother" na naging daan para mas makilala siya at maipareha sa aktres na si Elisse Joson.

Matatandaang pinasalamatan ni McCoy si Elisse sa sorpresa nito sa kanya para sa kanyang kaarawan. Kalakip ng kanyang mga ibinahaging mga litrato ay ang kanyang mensahe para sa ina ng kanyang anak na si Felize. Sa kanyang mga binahaging pictures ay makikita ang kanilang naging pagdiriwang kasama ang iba pa niyang kapamilya at kaanak. Naroroon din ang kanyang mag-inang sina Elisse at Felize na kadalasang laman ng social media post ng aktor.

Matapos maging usap-usapan ang cryptic post ni Elisse kaugnay sa aniya'y paghihirap nila ng kanyang anak, nagbahagi din ng mensahe si Mccoy de Leon. Aniya, maya't-maya niya tinitingnan kung maayos ang kalagayan ng kanyang mag-ina. Kagaya ni Elisse, aniya ay wala na din siyang maayos na tulog ngunit aniya sana ay huwag silang sumuko. Dagdag pa ni McCoy, gagawin niya ang lahat para lang masigurong mapasaya at maprotektahan niya ang kanyang mag-ina.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel