Liza Soberano at Paolo Contis, ilan sa mga artistang bumati sa kaarawan ni Ogie D

Liza Soberano at Paolo Contis, ilan sa mga artistang bumati sa kaarawan ni Ogie D

- Sina Liza Soberano at Paolo Contis ang ilan sa mga mahahalagang tao kay Ogie Diaz na bumati sa kanyang kaarawan

- Bagaman at wala sa bansa, nagpadala pa rin ng mensahe si Liza sa kanyang dating manager

- Si Paolo naman ay inalala ang mga panahong una pa lang sila nagkakilala ni Ogie hanggang sa maging ninong na siya ng panganay na anak nito

- Maging ang mga anak ni Ogie ay nagpadala ng mensahe sa kanilang Daddy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ilan lamang sina Liza Soberano at Paolo Contis sa mga celebrities na malalapit sa puso ni Ogie Diaz na nagpadala ng video greeting para sa kanya.

Liza Soberano at Paolo Contis, ilan sa mga artistang bumati sa kaarawan ni Ogie D
Liza Soberano, Paolo Contis at Ogie Diaz (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na si Paolo ay dati nang kaibigan ni Ogie sa showbiz at nakatrabaho na sa ilang mga proyekto hanggang sa maging ninong na ito ng kanyang panganay na anak.

Read also

Mga anak ni Andrew Schimmer, dinalaw ang kanilang mommy ngayong bagong taon

Kahit wala sa bansa, nagpadala rin ng video greeting ang kanyang dating alaga na si Liza Soberano.

Hindi pa rin mawawala ang pasasalamat ni Liza sa dating manager na nangalaga sa umpisa pa lang ng kanyang career.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muli namang naikwento ni Ogie ang pasasalamat niya kay Liza na naging malaking bahagi sa pagkakaroon ng maayos na buhay ng anak niyang si Mira. Wala rin siyang ibang hangad kay Liza kundi ang mas lalo pang mapaganda ang career nito.

Narito ang kabuuan ng pagbabahagi ng 53rd birthday ni Ogie Diaz mula sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Read also

Andrew Schimmer, binalikan ang videoke bonding nila noon ni Jho isang araw bago ito ilibing

Kamakailan, dinipensahan ni Ogie D ang pagbati ni Vice Ganda kay Toni Gonzaga sa isinagawang parada ng MMFF 2022. Pareho silang mayroong pelikula sa naturang film festival.

Nakapanayam din ng Showbiz Update sina Nikki Valdez at Ian Veneracion hinggil sa reaksyon nila sa naging resulta ng MMFF 2022 awards na ginanap noong December 28. Wagi bilang best actor si Ian habang si Nikki naman ay nagulat na wala manlang nominasyon ang pelikula nilang Family Matters.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel