Sarah Geronimo, hiling na makasama ang mga mahal sa buhay habang siya ay nabubuhay

Sarah Geronimo, hiling na makasama ang mga mahal sa buhay habang siya ay nabubuhay

- Ayon kay Sarah Geronimo-Guidicelli, alam ng Panginoon ang kanyang hiling ngayong Pasko

- Ito umano ay ang makasama ang lahat ng mahal niya sa buhay habang siya ay nabubuhay

- Ito ang kanyang sagot nang tanungin siya ni Darren Espanto tungkol sa Christmas wish niya

- Matatandaang sa naunang post ni Sarah na sa kasalukuyan ay burado na, inihayag niya ang pagmamahal niya sa mga magulang niya at paghingi niya ng tawad sa mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Sarah Geronimo, ang pinakahinihiling niya ngayong Pasko ay ang makasasama niya ang mga mahal niya sa buhay habang siya ay nabubuhay. Ito ay kanyang naibahagi nang muli siyang nakapagtanghal sa ASAP Natin 'To kamakailan.

Sarah Geronimo, hiling na makasama ang mga mahal ko sa buhay habang siya ay nabubuhay
Sarah Geronimo, hiling na makasama ang mga mahal ko sa buhay habang siya ay nabubuhay (@matteog)
Source: Instagram

Nitong Linggo lang ay marami ang natuwa na muling makita si Sarah na mag-perform sa Sunday noontime show matapos ang kanyang matagal na pamamahinga. Pinasalamatan ni Sarah ang kanyang kasamahan sa show dahil sa pagpayag umano sa kanya na mag-promote ng bago niyang album.

Read also

Herlene Budol, 'tatambling' daw nang bongga sa Ms. Tourism: "Kase sinayang ni angkol"

Nang tanungin siya ni Darren Espanto tungkol sa Christmas wish niya, sinabi niyang ito ay ang makasama ang mga mahal niya sa buhay.

“Alam na ni Lord ‘yun, makasama ko ang mga mahal ko sa buhay habang buhay — habang ako ay nabubuhay.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar Royalty. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Kamakailan ay muling nabanggit ni Cristy Fermin ang tungkol sa buradong post ni Sarah patungkol sa paghingi niya ng tawad sa kanyang mga magulang. Ayon umano sa source ni Cristy, awang-awa na si Matteo Guidicelli sa kanyang misis. Halos araw-araw umanong sinusubukan ni Sarah na makausap ang kanyang magulang subalit wala itong nakukuhang sagot. Hiling ng marami na sana'y matupad na ang nais ni Sarah na magkaayos na sila ng kanyang mga magulang.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbabalik ni Sarah sa "ASAP Natin 'To". Sa post ng head writer na si Darla Sauler ay masaya niyang binahagi na nagbalik na si Sarah sa studio ng ASAP Natin 'To". Kabilang din si Ogie Alcasid sa nag-post ng picture niya kasama ang Popstar Royalty. kasama niya rin sa naturang picture sina Erik Santos, choreographer Georcelle Dapat-Sy, Regine Velasquez, Gary Valenciano at Darren Espanto.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel