Ina Raymundo, proud sa pagkanta ng anak niyang si Erika Rae

Ina Raymundo, proud sa pagkanta ng anak niyang si Erika Rae

- Binahagi ni Erika Rae Poturnak ang video ng kanyang pagkanta ng awiting "Buwan" ni JK Labajo

- Sa naturang video ay makikita si Erika kasama ang lalaking naggigitara para sa kanya

- Hindi naman maitago ng ina ni Erika na si Ina Raymundo kung gaano niya pinagmamalaki ang anak

- Marami naman sa netizens ang humanga sa anak ni Ina na bukod sa husay nito sa pagkanta, kapansin-pansin din ang maayos na pagbigkas nito ng mga salitang Tagalog sa kanyang pagkanta

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi maitago ni Ina Raymundo kung gaano siya ka-proud sa talented na anak niyang si Erika Rae Poturnak. Binahagi ni Erika ang video ng kanyang pagkanta ng awiting "Buwan" ni JK Labajo.

Ina Raymundo, proud sa pagkanta ng anak niyang si Erika Rae
Ina Raymundo, proud sa pagkanta ng anak niyang si Erika Rae (@erikarae.p)
Source: Instagram

Sa naturang video ay makikita si Erika kasama ang lalaking naggigitara para sa kanya. Kabilang si Ina sa mga nagkomento sa post na ito ni Erika.

Read also

Anak ni Andrew Schimmer na naglalambing sa ina, umantig sa puso ng netizens

Ina Raymundo, proud sa pagkanta ng anak niyang si Erika Rae
Ina Raymundo, proud sa pagkanta ng anak niyang si Erika Rae (@erikarae.p)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami naman sa netizens ang humanga sa anak ni Ina na bukod sa husay nito sa pagkanta, kapansin-pansin din ang maayos na pagbigkas nito ng mga salitang Tagalog sa kanyang pagkanta.

Si Erika Rae Poturnak ay anak ni Si Rina Marie Padilla Raymundo, o mas kilala sa kanyang screen name na Ina Raymundo. Siya ay isang Pinay actress na nakilala sa kanyang pagganap sa mga pelikula at serye. Bukod sa pagiging aktres, isa din siyang commercial model at singer. Sumikat din siya sa TV ad ng San Miguel Beer noong 1995.

Matapos maging isap-usapan ang tungkol sa napapabalitang relasyon ni Kobe Paras at Erika, ayon kay Benjie Paras ay mas maiging hindi siya magkokomento kaugnay sa love life ng anak. Aniya, hindi siya nakikialam sa personal na buhay ng anak dahil alam niyang nasa tamang edad na umano ito. Aniya, tiwala siyang alam na ng anak na gumawa ng tamang desisyon para sa kanyang sarili.

Read also

Vice Ganda, nagpasalamat matapos ang magagandang reviews sa pelikula nila

Kamakailan ay nag-post si Kobe Paras ng pictures nila ng rumored girlfriend niyang si Erika. Sa kanyang Instagram Stories ay makikita ang ilang sweet na pictures nilang magkasama. Kasunod ito ng paglabas ng bali-balitang nagkakalabuan na sila dahil sa pag-unfollow nila sa isa't-isa. Gayunpaman, kinalaunan ay naka-follow na silang muli sa isa't-isa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate