Ellen Adarna, gumastos ng milyones para sa regalo niya kay Derek Ramsay
- Binahagi ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay ang tungkol sa kanilang bakasyon kamakailan
- Ito pala ang regalo ni Ellen para kay Derek sa kanilang 1st wedding anniversary dahil isa iyon sa nasa bucket list ni Derek
- Sa panayam ni Morly Alinio sa mag-asawa, naibahagi ni Derek na umabot umano sa 7 digits ang ginastos ni Ellen sa pamasahe pa lang nila
- Kinuwento nila ang kanilang naging karanasan sa pamamasyal nila sa Peru at Bolivia
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Regalo pala ni Ellen Adarna ang trip nila abroad kamakailan ni Derek Ramsay. Sa panayam ni Morly Alinio sa mag-asawa, naibahagi ni Derek na umabot umano sa 7 digits ang ginastos ni Ellen sa pamasahe pa lang nila.
Ayon kay Ellen, halos lahat ng bagay ay mayroon na si Derek kaya ang naisip niyang regalo ay ang makakapagpapasaya sa asawa niya at iyon ay ang makapunta siya sa Machu Picchu sa Peru.
Kinuwento nila ang kanilang naging karanasan sa pamamasyal nila sa Peru at Bolivia.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Derek Ramsay ay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please. Matatandaang naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.
Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila. Malimit ding kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng anak ni Ellen sa kanyang Tito Derek.
Sa kanyang Instagram story nitong Sabado, pinakita ni Ellen Adarna ang isang boat jet na may nakalagay na pangalan niya. Maririnig ang kanyang pagsasalita sa video sa kanyang IG story kung saan sinabi niyang impulsive ang kanyang asawa. Naka-tag din sa naturang video clip si Derek at biniro pa ni Ellen ang mister na magsusumbong siya sa mommy nito. Sa isa pang story ay makikita si Ellen at ang anak niyang si Elias na nakasakay sa boat jet.
Source: KAMI.com.gh